Third Person's POV
"Boss! Nakita na namin ang target na ito" sabi nung lalaking kalbo.
"Kasa-kasama niya pa ang pinakamain target, sir!" dagdag nung maskuladong lalaki.
"Anong ibig niyong sabihin?" tanong ng boss nila na bahagyang napakunot ang kilay.
Pinakita naman ng kalbong lalaki ang picture nung target nila.
"Ayan po boss. Kasa-kasama niya ang main target!"
"Mga inutil! Hindi niyo dapat hayaan na magkasama ang dalawang yan!! Kapag nagsumbong yan!! Hindi lang kayo ang lagot! Pati ako! Kaya umayos-ayos kayo!! Dispatchahin niyo ang target na iyan!!"
"Opo, boss!"
Joanna's POV
"Oh? Busog na ba? Asan na bayad niyo?" biro ko sa kanila habang nakalahad ang kamay ko na tila naghihintay ng bayad.
"H-huh? Akala ko ba libre?" angal naman ni Pam.
"Oo nga" dagdag naman ni Carlie habang nakapout.
"hahaha.. Syempre joke lang yun. Libre lang talaga yan. Kaya bumaba na kayo at maghugas ng plato doon bilang kapalit!!" sabi ko sa kanila at tawa ako ng tawa.
"Loko-loko!! Talaga namang naghuhugas ako ng plato rito ahh.. at tinutulungan pa kita sa pagseserve ng mga kostumer niyo.. diba? yang si Carlie na lang ang paghugasin mo!!" sabi ni Pam.
"ANONG PAGHUGASIN? AKO? NO! DON'T ME!" sabi niya kay Pam.
"Hindi nga ako marunong ng gawaing bahay tapos paghuhugasin mo ako? Baka mabasag lang lahat ng plato nila sa akin eh!" dagdag pa niya.
Niligpit na namin ang mga pinagkainan namin saka tumulong na kami sa baba. Actually, kami lang talaga ni Pam kasi si carlie ayun nakaupo lang sa gilid kasama si Paula. nagseselfie ang dalawa. NAPAKAGALING!!
Pansin ko naman na kanina pa nakatingin yung kalbo kay Pam!
EWW!! Type ba niya si Pam?? Yuck!!! Mukhang may masama nga talaga silang balak! Hahaha! Sabihin ko kaya kay Pam na nakatingin sa kaniya si kuyang kalbo.
"Psst! Pam! Tingnan mo si kuya oh kanina pa nakatingin sayo.." mahina kong sabi sa kaniya.
Nilingon naman niya kung saan ako nakatingin. Nahagilap niya ang mata ni kuyang kalbo. Napaiwas naman si kuya at bahagyang yumuko!
"Confirm! Crush ka niya!" tuwang tuwa kong sabi kay Pam. Biglang nanlisik yung mata ni Pam. Aba!! Affected ang babaita. Hahahaha. Bumalik na lang kami sa pagseserve ng mga kostumer.
Nakita ko naman na sumusulyap-sulyap si kuyang kalbo kay Pam. Naglabas siya ng phone at aba!! Ini-stolen pa si Pam! Grabe!! Super patay na patay siguro siya kay Pam. Hahaha.. Kadiri!! Napaka pedophile naman ni kuya!!
Hahahaha.. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko.. Ano ba toh!! Grabe..
Nang makita ni kuyang kalbo na nakatingin ako, agad niyang tinago ang phone niya tsaka nagyayang umalis. Grabe stalker ba siya? Tsaka ang manyak niya... Yun ang first impression ko sa kaniya dahil sa ginagawa niya.
Grabe!! Palagi na nga niyang tinitignan si Pam na parang hinuhubaran na niya tapos ngayon kumukuha pa siya ng litrato? Tss!! Sa susunod lang na gawin pa niya ulit yun, tutusukin ko ng tinidor ang dalawang mata niya!! Hindi ako papayag na mabastos ang kaibigan ko noh!!
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Genç KurguMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...