Chapter 12

549 42 24
                                    


Dedicated to Theboywhocriedhungry   >>>> Potchi! Haha. Naalala ko kasi yung story ko about doon sa mga mythological gods and godesses... Kaya may inspirasyon ako para sa update. lol



***

***

Sobrang lapit na talaga ng mukha niya. Pinagpapawisan ako ng sobra.


*ring*

*ring*

*ring*


"F*ck!" sigaw niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi nakuha ang virginity ng aking mga labi. hahaha. Galit na galit si Kyle Santos at padabog na sinagot yung phone call.

"WHAT DO YOU NEED?" sigaw niya sa kausap niya.

Hindi naman halata na galit na galit siya eh noh? Siguro hindi niya kavibes yang kausap niya. Sino kaya yun?

Gusto ko siyang makilala para kontsabahin ko siya. At aasarin niya lagi si Kyle para laging mainit ang ulo at lagi kong pagtritripan para na rin makaganti ako sa mga kalokohang ginagawa niya sa akin.

Dahil mukhang mainit na naman ang ulo niya ay umalis na ako sa may kusina. Magshashower na muna ako.

Buti na lang pala palagi akong may dalang pair of undergarments sa bag ko in case na kasagsagan ko. Girls alam niyo yun. Wag slow!

Dali-dali naman akong umakyat sa kwarto niya at kumuha ng pinagliitan niyang white t-shirt at saka nagshower.

Pagkapasok ko sa banyo ay agad kong binuksan yung maliit na kabinet at sakto may mga tuwalya pa doon. Kumuha ako ng isa at nakita ko na naman yung tatak na yun.

Yung may kidlat tapos may burda ng pangalan ni Zeus. Siguro mahilig siya sa mga Greek gods and goddesses. Idol niya kasi si Zeus eh.

Parang lahat kasi ata ng part ng bahay niya ay may ganitong tatak. Pati nga yung kumot niya, unan niya, yung gilid ng kama, yung mga cushion sa sofa, yung gilid ng sofa at yung painting sa may sala niya.

Not to mention na may refrigerator magnet pa siya na ganun rin ang style, although na-mention ko na, at parang lahat ng gamit niya ay may tatak ng ganun. Ewan ko ba dun, napaka-obsessed kay Zeus.

May napansin naman akong kakaiba sa kabinet na yun. Mayroon kasing tuwalya na naiiba eh. Kulay baby pink. Nilabas ko naman iyon at may burda rin. Pero iba ang tatak, hindi kidlat. Kundi puso at may nakabuda na pangalang Aphrodite.

Hindi naman halatang adik siya sa mga greek gods and goddesses noh? Pero di ba si Aphrodite ay anak ni Zeus? So, para ba to sa anak ni Kyle? May anak na pala siya? Kasi ang asawa ni Zeus ay si Hera. At kapatid siya ni Zeus. Kapatid na, asawa pa. Iba talaga si Zeus.

Teka! Anak nga ba talaga ni Zeus si Aphrodite? O gumagawa lang ako ng kwento-kwento? Pero ang alam ko kasi ay anak niya si Aphrodite. Pero si Aphrodite at si Zeus ay may SOMETHING. WHAT? Kapatid sa kapatid. Anak sa ama. Ano ba tong pinag-iisip ko.

Pero diba anak ni Aphrodite si Eros? Which is hindi pa matukoy kung sino ang tatay niya. Kung si Ares ba, si Hermes o si Zeus. Kaiba naman talaga itong si Aphrodite oh, ang haliparot! Pero wala pa rin talagang tatalo sa kalandian ni Zeus.

Napatigil na lang ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang biglang bumukas ang pinto sa may banyo.

"What the F*** are you doing?", gulat na tanong niya. Teka! Wala naman akong ginagawang kababalaghan dito ah. Bakit siya magugulat.

My Summer BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon