Bruce's POV
Nagulat na lang ako ng maramdaman kong umiiyak si Joanna.
"Joanna, bakit ka umiiyak. Sabi ng don't depressed yourself too much eh," sabi ko sa kaniya.
Ibinaon lang niya yung mukha niya sa braso ko at umiling-iling.
"Wala to, kuya. Thank you at nandiyan ka palagi," sagot sa akin ni Joanna.
Natutuwa ako dahil kahit papano na-aappreciate niya yung presence ko. Ang swerte naman nung guy na iniiyakan niya ngayon dahil sigurado akong mahal na mahal siya ni Joanna. Mahal siya ng taong mahal na mahal ko.
Masakit makita na umiiyak palagi si Joanna. Una ko siyang nakitang umiyak noong umalis si kuya niya kaya nangako ako na palagi akong nasa tabi niya at hinding-hindi siya iiwan. Gusto ko nga sanang sapakin yung Jerome na yun eh dahil minahal siya ni Joanna pero niloko lang siya.
Ipinaubaya ko sa kaniya si Joanna dahil kontento na akong maging kuya niya. Pero ayaw kong nakikita siyang umiiyak ng ganun.
Tapos ngayon natutuwa ako at the same time nasasaktan, natutuwa ako kasi alam kong unti-unting nagmomove on si Joanna siya kay Jerome at ngayon ko lang siya nakita na ganiyan siya mag-alala. Senyales lang na mahal na mahal niya nga kung sinuman ang lalaking iyon. Nasasaktan ako kasi muli ko na naman siyang nakikitang umiiyak at hindi ako ang lalaking mahal na mahal niya.
Akala ko may chance na ako para ligawan si Joanna pero wala pala. Dahil sa mga kinikilos pa lang niya ngayon sigurado akong mahal na mahal niya yung lalaking yun at hindi pa nagsisimula ang laban ay talo na agad ako.
Sino ba naman kasi ako di ba? I'm just a nobody na ni highschool ay hindi natapos. I'm just her kuya, her best friend. I'm nothing more para maging deserving sa kaniya. I have nothing na maipagmamayabang sa kaniya.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang na tumigil na siya sa pag-iyak. Siguro nakatulog na siya kakaiyak niya.
Tinitingnan ko na lang lahat ng madaanan namin dahil ilang minuto na lang at nasa St. Jude's Hospital na kami. Baka kasi makatulog rin ako at lumampas pa kami.
"Manong, bayad po. Dalawang St. Jude po," saad ko habang inaabot ang bayad sa driver.
Naramdaman ko naman na nahuhulog na si Joanna kaya inayos ko ang ulo niya. Napatingin naman ako sa babaeng nakaupo sa harap namin. Nagtaka ako kung bakit siya nakangiti at nakatingin sa aming dalawa.
"Jowa mo, iho?" pagtatanong ni lola. Aba, akalain mo to, maintriga masyado.
Napailing na lang ako, "Naku, hindi po. Kapatid ko na po ang turing ko rito," pagpapaliwanag ko.
Tumango-tango siya at muling ngumiti, "Alagaan mo siya huh? Alam mo iho, bagay na bagay kayo. Nakakatuwa, naalala ko tuloy yung kabataan ko," nakangiting sabi sa akin ni lola. Ngumiti na lang ako bilang pagtugon.
"Ganyan na ganyan rin kami ni Popoy noong kabataan namin, magkapatid lang rin ang turingan namin sa isa't-isa at.. at.. at.. ano nga uli yun?" nagtataka niyang tanong at muling tumingin sa akin.
"Sino ka nga pala? At nasaan ako?" nagpapanik na tanong ni lola.
Nakita ko naman na pinapakalma siya ng babaeng kasama niya na siguro ay nasa edad 40 pataas.
Nginitian niya ako, "Pasensiya na sa inang ko huh? Matanda na kasi si nanay at may sakit siyang dementia. Diyan rin sa St. Jude's ang punta namin," sabi nung babaeng kasa-kasama ni lola. Siguro anak siya nung matandang babae.
Ngumiti lang ako. Buti pa sila, magkasama kahit na may edad na silang parehas. Nakakatuwang isipin na nagtagal ang magulang niya hanggang sa tumanda siya at natutong tumayo mag-isa. Sana maranasan ko rin yan pero parang imposible.
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...