"Joanna!" sigaw ni Kuya Bruce.
Napatakbo naman ako agad papunta sa kinalalagyan niya dahil sa sobrang taranta ko.
"Ano ba yun kuya? Bigla-bigla kang sumisigaw." hingal na hingal kong tanong kay kuya Bruce.
Napakamot naman siya sa ulo niya.
"Ah, eh, ito oh." saad niya habang pinapakita ung phone na napulot niya. Tiningnan ko kung kanino yun.
*8 Miscalls from Joanna*
"Ibig sabihin nandito nga siya kanina, kuya." nangingiyak at kinakabahan kong sabi kay Kuya Bruce.
"Oi Joanna, kalma lang. Ano ba kasi yun?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Bruce.
"Kasi, kuya, t-tumawag s-siya kanina, tapos nakarinig na lang a-ako ng mga kalalakihan na papalapit sa kaniya a-at yun na end na yung call. K-kinutuban ako na may masamang n-nangyari sa kaniya kaya ayun, l-lumabas ako sa bahay p-para hanapin siya." mangiyak-ngiyak kong paliwanag kay kuya Bruce.
"Oh sige. Kumalma ka lang diyan at hahanapin natin kung sinuman yun." saad ni kuya Bruce habang kinukuha niya yung cellphone niya at may tinawagan.
"Hello," pagbati ni kuya Bruce at hindi ko na narinig kung ano pa yung pinag-uusapan nila dahil lumao siya sandali.
.
.
.
Makaraan ang ilang minuto ay nagawa ko ring patahanin ang sarili ko at bumalik na si Kuya Bruce sa kinaroroonan ko.
"Sandali lang, Joanna. Paparating na yung mga tanod." saad ni kuya Bruce habang nakaupo siya sa may bench.
"Sino ba yang lalaki na yan, Joanna?" curious na tanong ni kuya Bruce.
"S-si Kyle po," matipid kung sagot.
Hindi ko alam kung babanggitin ko pa ba yung pangalan niya kasi hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kaniya eh. Dapat nga hindi na lang ako nag-alala ng ganito, malay ko ba kung nangtritrip lang siya tulad ni Jerome. Pero, ewan ko! Ang bilis ko kasing maniwala sa mga bagay-bagay.
Maya-maya pa ay dumating na yung mga tanod na tinawagan ni Kuya.
"Pasensiya na brad huh? May inasikaso kami eh," sabi ni kuyang tanod na hindi ko alam ang pangalan.
"Tsk. Tsk. Tsk. Kawawa naman yung binatang yun. Napagtripan pa, kegwapo-gwapo eh," saad nung kasama niyang tanod rin na nakikipag-usap sa iba pa nilang mga kasama.
"Po?" tanong ko sa kanila.
"Ah kasi kanina may lalaki dito, artista ata yun, tapos napagtripan siguro nung mga grupo ng kalalakihan kanina. Ang alam ko," hindi na niya natuloy yung sinasabi niya nung bigla akong nagsalita. Malamang si Kyle yun.
"Saang ospital po siya dinala? Nahuli niyo po ba yung nambugbog sa kaniya?" natataranta kong tanong.
"A-ah sa ano..."
"Saan?!" pasigaw at nangingiyak kong tanong sa tanod na kausap ko.
"Joanna, kalma ka lang," sabi ni kuya Bruce.
"Ako ng makikipag-usap sa kanila," dugtong pa niya habang pinaupo niya ako sa may bench.
Tainiz! Bakit ba ako nagkakaganito? Pinalo-palo ko yung mukha ko, "Put yourself together, Jo."
Nakakaasar. Bakit ba ako nagpapanik? Dapat lang sa kaniya yun. Karma niya yun eh. Pero teka bakit siya nandito? Akala ko ba nasa ibang bansa siya para sa pictorial niya?
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...