Joanna's POV
Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung makilala namin ang kamag-anak ni kuya Bruce. Inalok sila nung tita niya na doon na rin tumira sa kabilang bayan pero tumanggi si kuya Bruce kaya ang ginagawa na lang nung tita niya ay bumisita sa kanila para alagaan ang mga kapatid niya.
Napagdesisyunan rin nung tito niya na si Dr. Hernandez na muli siyang pag-aralin. Kaya nagtake siya ng ALS para hindi na maghighschool pa at diretso na sa college.
Well, si Kyle naman ay maayos na ang lagay niya. Sabi sa akin ni Dyle nagpapahinga na lang daw siya at next time na haharapin ang mga bumugbog sa kaniya.
Si Dyle naman ang nag-aasikaso sa mga kasong isasampa sa mga adik-adik na gumulpi sa hambog na modelo. Nakausap ko si Kyle once at pinatawad ko na rin siya tutal maiksi lang ang buhay kaya mas magandang patawarin na lang siya kaysa naman magtanim ako ng sama ng loob sa kaniya. Hindi kaya maganda sa pakiramdam ang may galit kang kinikimkim.
Tapos narin ang second sem namin kaya ito bakasyon na. Malapit ng umuwi si kuya at si papa. Yehey!
Habang tinutulungan ko naman si mama sa pag-aasikaso sa karinderya ay may tumawag sa akin.
"Joanna!"
Lumingon naman ako para tingnan kung sinong tumatawag sa akin.
"Kuya Bruce!" pagbati ko sa kaniya.
"Kamusta na? Kamusta ang pagsali mo sa ALS, kuya? Pumasa ba?" tanong ko sa kaniya.
"Next month pa ang exam namin. Eto naman oh, excited masyado," sabi niya sa akin.
"Ay ganun ba? Haha., natutuwa lang kasi ako eh," sabi ko.
"JOANNA!" isang babaeng may matining na boses ang tumawag sa akin. Napalingon naman kami parehas ni Kuya Bruce. Si Carlie pala!
"Uy Carz! Musta?" pagbati ko sa kaniya.
"Joanna, una na pala ako. Dadaan pa ako kila lola eh, bibisitahin ko pa sila." paalam sa akin ni kuya Bruce.
"Ah sige kuya. Ingat ka huh?" sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya at saka tuluyan ng umalis.
"Joanna! Namiss kita. Grabe ka friend. Ah yung..." pagsisimula ni Carlie.
Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya at ibinigay ko yung phone ko.
"Phone ko? Ito oh. Hindi ko pa nalalike lahat. Busy sa karinderya eh. Ikaw na maglike," saad ko sa kaniya. Nagpout naman siya.
"Ito naman oh, mukha bang pumunta ako para dito?" tanong niya saka nagpout muli.
"Ay hindi ba? Akin na lang pala." pabiro kong sabi sa kaniya.
"Ay hindi na. Nabigay mo na eh kaya sige trabaho ka muna diyan maya nalang kita kakausapin," sabi niya sa akin saka madaling inilayo yung phone ko. Tsk. Kahit kailan talaga. Itong si Carlie.
Bumalik ako agad sa kusina para kumuha ng basahan at pinunasan ang mga lamesa. Pagkatapos nun ay nagpaalam ako kay mama na may pupuntahan kami ni Carz. Tutal, mag-aalas tres naman na kaya unti na lang ang mga costumers. Naghugas muna ako at naghilamos saka binalikan si Carlie.
"Oh Carz, ano na? Saan lakad natin at pinuntahan mo ako?" tanong ko sa kaniya.
"Ah, pwede shopping tayo beh. May ichichika ako sayo. Maloloka ka ng bonggang-bongga!" sabi niya sa akin habang hawak-hawak pa rin yung iphone na ibinigay sa akin ni Kyle. Patuloy lang siya sa pagscan ng profile niya at haos lahat inilike na niya.
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...