---
"Joanna!" muling pagsigaw nung babae.
Gusto ko sanang silipin kung sino yung babaeng yun pero natatakot ako.
"Ang kulit mo naman, sabing wala dito ang anak ko!" sigaw ni mama.
"Alam kong nandiyan siya! Joanna! Please! Lumabas ka muna!" sigaw nung babae.
"Wala nga siya rito! Sige! Kung hindi ka aalis, tatawag ako ng tanod!" pananakot ni mama.
"JOANNA! PARANG AWA MO NA!" muli niyang sigaw.
Bumuntong hininga muna ako saka ako bumangon sa pagkakahiga. Inipon ko na lahat ng lakas ng loob na meron ako para bumaba kahit na takot na takot ako.
Eh bait nga ba ako natatakot? Sa pagkakaalam ko wala naman akong masamang ginagawa? Pero bakit naman kaya sigaw ng sigaw yung babae sa baba?
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan. Tumambad sa akin ang mukha ni tita Lisa na magang-maga ang mata.
"Tita?" napatingin sila sa akin.
"Joanna!!" napatakbo siya sa kinaroroonan ko at saka niyakap ako ng mahigpit. Patuloy lang sa pagluha si Tita Lisa hanggang sa mapaluhod ito.
"Tita, tahan na po" pagpapatahan ko sa kaniya.
"Parang awa mo na Joanna. Ipawalang-bisa mo ang kaso na isinampa nila sa anak ko." pagmamakaawa sa akin ni Tita.
"Tita, tumayo na po kayo diyan. Susubukan ko pong kumbinsihin si Kyle na iurong na po ang kasong isinampa laban sa kaniya," saad ko.
Kahit na hindi ako sigurado na makukumbinsi ko si Kyle na iurong ang kaso pero susubukan ko pa rin. Nagdadalawang isip tuloy ako kung gagawin ko nga ba talaga yun.
Kasi, may kasalanan si Jerome kaya kailangan niyang pagbayaran yun. Pero alang-alang kay Tita Lisa, susubukan ko lahat ng makakakaya ko, makumbinsi lang si Kyle na iurong na ang kaso.
"T-talaga Joanna?" pinunas ni tita ang luha niya.
Tumango lang ako at yinakap niya ako ng mahigpit. Iba talaga ang pagmamahal ng isang ina sa isang anak noh? Handa siyang gumawa ng eksena mapalaya lang ang anak niya.
Iniimagine ko kung ganto rin ba gagawin ni mama ko if ever ako ang nasa sitwasyon ni Jerome ngayon.
Pinapasok ko muna si tita sa bahay namin kasi masyado na kaming agaw eksena dito sa karinderya at dumadami na rin ang mga tao na nakikiusyoso sa amin.
Pinaupo ko si tita sa may sala at binigyan ng maiinom. Bagaman kalmado na si tita bakas pa rin sa mukha niya na kanina pa siya umiiyak sa sobrang mugto ng mga mata niya.
Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Kyle. Pero baka si tita kapag siya ang kumausap kay Kyle eh maaawa naman siguro yun.
"Tita," pag-agaw ko ng atensyon niya.
Napatingin naman siya sa akin.
"Ah eh.. gusto niyo po ba kayo na ang kumausap kay Kyle?" pagtatanong ko kay tita.
"Huh? Baka magkasagutan lang kami. Mas malapit ka naman sa binatang iyon eh kaya mas makukumbinsi mo siya. Kaya parang awa mo na. Tulungan mo ako na palayain ang anak ko. Hindi ko maaatim na mamalagi pa siya sa kulungan sa loob ng ilang taon. Hindi ko nga kayang makita siya na nasa loob ng bilangguan kahit na isang minuto eh. Hindi ko kinakaya. Para akong dinudurog." pagpapaliwanag ni tita at nagsimula na naman siyang umiyak.
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...