Chapter 5

617 45 13
                                    


***


"Hi kuya!"

"Hi mo mukha mo! Sinong hubby ka diyan huh?"

"Kuya let me explain. May mga bastos kasi dito kanina eh kaya ayon buti napatawag ka nga kuya eh kaya naniwala silang may boyfriend na ako. Bla~bla~bla~bla. Sana lang talaga kuya nandito ka."

"Bakit? Gusto mo ba akong makasama?"

"Naman kuya! Ikaw pa!"

"Oh! Kung ganun! Dito ka na pala magpatuloy ng pag-aaral mo. Film Maker ang trademark ng school namin. Basta may kinalaman sa arts patok dito."

"Alam kong mataas ang kaledad ng arts diyan noh. Kaya nga diyan ka pumasok para mag-aral ng animation diba? Ayy nga pala kuya! Speaking of animation thingy! Hindi mo pa naipapadala sa akin yung comics na ginawa mo. Magdadalawang buwan na oh?"

"Oo na po! Sa bakasyon ibigay ko sayo."

And the rest is history!!!!!!!!!!!

***

Pagkatapos kong makausap si papa at kuya, bumaba na rin ako agad para tulungan si mama. Naabutan ko naman siyang kon-todo ngiti.

"Hoy ma! Anong nginingiti-ngiti niyo diyan huh? Nag-usap lang kayo ni papa eh."

"Yiiee anak naman eh. Erase-erase na lang natin yan."

"Pau! Kuha ka nga ng eraser at buburahin ko tong ngiti sa labi ni mama. Nakakaasiwa."

At aba ang masunurin kong pinsan kumuha nga ng eraser.

"Ate! Wala ng mas lalaki pa dito eh kaya kumuha na lang ako ng sampu."

Nagkatinginan kami ni mama at sabay na tumawa.

"Thank you. Baby Pau. Nandoon sa ref yung reward mong mango float."

Parang gusto kong singitan ng letter 'O' yung baby Pau... Thank you. Baboy Pau... Hahaha. At ang pinsan kong makulit tumakbo naman agad papunta sa ref.

"Halla! Nagkaroon ata ng magnitude 9.2 na lindol dahil sa pagtakbo niya." Sabi ni mama

"Oo nga ma noh? Lumilindol na nakangiti ka pa rin diyan. Oh ma yung eraser mo! Para sa erase-erase thingy na sinabi mo kanina."

Tumawa na naman ulit kami.

***

Halos mag-iisang taon na nang maghiwalay kami ni Jerome. JOKE. Mga dalawang linggo lang naman pero bakit parang ahapon lang yun? Ang boring rin pala noh. When you lack diversion in your routinary life, bahay-karinderya-school-karinderya-bahay.

Bahay-karinderya-school-karinderya-bahay.

Bahay-karinderya-school-karinderya-bahay.

Bahay-karinderya-school-karinderya-bahay.

Bahay-karinderya-school-karinderya-bahay.

Bahay-karinderya-school-karinderya-bahay.

Bahay-karinderya-simbahan-karinderya-bahay. Kapag Sunday.

Napaka routinary na ng buhay ko. Tsaka yung si Dyle na hubby ko, isang araw ko lang nakilala yun tapos kinabukasan at sa mga sumunod na araw hindi na nagpakita o nagparamdam.

Well hindi naman ako nasaktan sa pagkawala niya. Siguro napadaan lang talaga siya sa buhay ko or naligaw lang saglit. O hindi naman kaya bumalik na siya sa langit kasi na save niya na ako doon sa pagpapahiya sa akin ng lintik na Jerome na yan na may pigsa sa mukha.

My Summer BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon