Joanna's POV
Isang buwan na rin ang lumipas simula noong umalis sila Jerome at Tita Lisa. Wala na akong komunikasyon sa kanila. Wala na rin akong balita. Pinipilit kong tawagan si Jerome pero wala talaga.
Isang buwan...
Isang buwan naring naging tahimik ang buhay ko. Bahagyang nawala ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Bibihira na rin kaming magkita nung dalawang kambal kasi may mga bagay silang ginagawa. Si Dyle ay may inaayos patungkol sa business nila sa Korea habang si Kyle naman ay abala sa pagcocover niya sa isang magazine at marami siyang nakaline up na runway pageants sa iba't ibang bansa sa Asia.
Si kuya Bruno naman ay paminsan-minsan na lang rin kung dumalaw dahil naka-focus siya sa pag-aaral at pagtratrabaho. Nakakatuwang isipin na parang normal na ang lahat.
Bumalik na rin ang mama ni Paula sa abroad. Naalala ko tuloy bigla yung itsura ni Paula nung paalis si mama niya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o tatawa ako dahil sa sobrang pagwawala niya.
Sa ngayon, ang madalas kong kasa-kasama ay sina Carlie at Pam.
Sobrang weird kasi karaniwan sa mga magkakaibigan ay may iisang bagay na pinagkakasunduan diba? Yung paang may common denominator kayong lahat. Yung may mga attitude or belief kayong magkakaparehas.
Pero kaming tatlo.... Kahit pagbalibaliktarin pa ang mundo.. wala talaga eh.
Palaging nagtatalo si Pam at Carlie dahil sa maraming bagay. Kasi si Pam.. boyish.. while si Carlie naman ay total girl... kumbaga sa leveling ng pagiging babae si Pam ang nasa lowest level.. ako ang nasa average.. samantalang si Carlie naman ang pinakamax..
Minsan naiisip ko na para kaming powerpuff girls pero hindi ko fit ang attitude ni Blossom... haha..
Pero...
Sa tingin ko...
Sa nakalipas na isang buwan... Sinasabi siguro sa akin ng panahon na magpatuloy ako sa buhay... at magsimula ako...
Tutal bakasyon naman ngayon at malapit ng umuwi si kuya ko sa darating na linggo.. Apat na araw mula ngayon...
Bumangon ako sa pagkakahiga... WEDNESDAY!!! 4 days to go.. and SUNDAY na!!!
Dali-dali akong nag-ayos ng sarili at bumaba sa karinderya para tulungan si mama...
"Magandang umaga!!" bati ko kila mama at Paula
"Oh! Maganda yata ang gising mo ngayon ah!" wika ni mama.
Nginitian ko lang siya at saka nagsimulang maglinis ng mga lamesa at nagligpit ng mga iniwang pinagkainan. Napatingin naman ako sa labas at nakita ko sina ate Cecille at Manang Lorna na papunta sa karindeya.
"Heh?! Kasa-kasama pa rin nila yung tatlong lalaki na yun?" tanong ko sa sarili ko.
Natawa na lang ako kasi pursigidong pusigidong manligay si Mr. Suave kay manang Lorna ah...
Oo nga pala!! Nakuha pala ni Mr. Suave ang bahay nila Jerome. Nadismaya ako nung narinig ko ang balitang yun kasi ibig sabihin nun ay wala ng pagmamay-ari sila Jerome rito at malaki ang posibilidad na hindi na sila babalik sa lugar na ito. Pero.. unti-unti tinanggap ko ang lahat ng yun at sinusubukang magsimula ng bago.
"Hello po, ate Cecille at manang Lorna" bati ko sa kanila at nginitian ko ang tatlong lalaking kasama nila.
"Ayy! Stop with the 'manang', Joanna. Ate Lorna na lang itawag mo sa akin. Feeling ko kasi ang tanda tanda ko na kapag manang ang tawag mo sa akin eh" ani ni ate Lorna.
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...