****
So ayon na nga, isang araw pa lang kaming magkakilala pero ang dami ko ng nalaman tungkol sa kaniya. Halos nalaman ko na lahat sa kaniya. We are so open-close talaga. Well, what I mean is: Sobrang open niya sa lahat ng bagay kaya naman naging close kami agad.
Syempre diba?
Madaldal plus madaldal equals Rock \m/.
Mag-aalasyete na ako ng maakauwi sa bahay kaya naman napagalitan ako ni mama. Saan daw ba kasi ako nanggaling at marami raw kaming costumer kanina. Wala daw siyang katulungan sa karinderya.
"Eh ma. Sorry na. Minsan lang naman akong mawala sa paningin mo eh. Tsaka nandiyan naman si Paula eh"
"Alam mo namang ang trabaho niya dito sa karinderya natin ay kumain lang." Tumatawa siya sabay turo niya kay Paula na kumkain doon sa sulok. Grabe talaga parang baboy kumain. Siguro kaya hindi naiinis si mama kay Paula kasi sa sobrang tawa niya pag nakikita niya yung pagkababoy ni Paula.
Nga pala hindi ko pa nasasabi sa inyo na si Paula ang pinsan kong baboy. Hard na kong hard at wala kayong pakialam kung hard ako. May kuya nga rin pala ako. Kaso nandoon siya sa Australia kasama ni papa. Mas hard yung kuya ko kaysa sa akin. Sa maniwala kayo't sa hindi sa kaniya ako natuto makipagwrestling. Hahaha.Ayan tuloy na-miss ko bigla yung kuya ko at tsaka si papa.
Umakyat ako sa sa bahay namin. Remember? Yung karinderya sa baba at sa taas yung bahay namin. Magpapalit na ako ng daamit para matulungan ko na si mama. Nakakahiya naman kasi sa sexy kong pinsan diba?
"Ate! Bakit ang saya-saya mo? Siguro nakipagbalikan siya sa iyo noh?"
Grabeng bata talaga ito. Hindi lang matakaw. Maintriga pa sa love life ng may love life.
"Hindi noh. At tsaka bakit naman ako makikipagbalikan sa mokong na iyon? Aber?"
"Talaga lang ate huh? Eh bakit pala nandiyan siya." Tinuro ni Paula yung lalaking naka jersey shorts.
Tumingin siya sa akin at ngumiti ng mapaakla. Ano naman daw kayang ginagawa ng mokong ito dito sa tapaat ng karinderya namin?
Pero instead na puntahan ko siya at tanungin kong anong ginagawa niya rito. Umakyat na ako agad papunta sa kwarto ko para magpalit ng damit. Naligo ako saglit at nagpalit ng shorts at blue na tshirt. Itong t-shirt na suot ko nung sinagot ko si Jerome. Sportfest namin nun at nakablue kaming mga seniors. Pero sabi nga ni Dyle di ba? Kalimutan na natin aang nakaraan at magsimula tayo sa simula.
So simula ngayon, strangers na lang ulit kami ni Jerome. Pero paano ko masasabing stranger lang siya para sa akin kung siya ang naging mundo ko ng higit pa sa dalawang taon? Siguro, hindi naman yata tama na tratuhin ko siyang parang estranghero.
Kaya simula ngayon, kakilala ko na lang siya. May alam ako tungkol sa kanya at may alam rin siya sa akin. No more, no less. We're just aquaintance.
***
Bumaba na ako para tulungan si mama sa karinderya niya . Pagbaba ko. Naabutan ko si Jerome na kausap ang mga tropa niya. Siguro balak na naman niyang magsorry sa akin. Pero in the end, Joke pa rin. Dare lang siguro ulit yang ginagawa nila. Kaya mas mabuting huwag na lang ako magpaapekto at waag na lang silang pansinin.
"Anak! Tingnan mo nga yung cellphone ko sa may kwarto ko. Tatawag daw sila papa at kuya mo ngayon eh"
Agad naman akong umakyat at kinuha ang cellphone ni mama. Super excited akong makausap ang kuya at papa ko.
***
Iniabot ko kay mama ang kaniyang mahiwagang cellphone na tanging number lang naming magkakamag-anak ang naka-save. Hahaha. Pero huwag ka! I-phone ang gamit ng mama ko. Sana akin na nga lang eh.
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...