Chapter 14

511 45 5
                                    


Dedicated to TobleroneHershey >>> Salamat sa pagsuporta ng story ko. Highly appreciated :) Nakakatuwa po yung mga comments mo :) Thank you so much :)

****


Napatunganga ako ng malapitlapit na siya kasi kamukhang-kamukha niya si Kyle.

"Hoy, bakit nakatunganga ka diyan?" tanong ni Kyle at nilingon naman niya yung tinitingnan ko.

Nakatulala pa rin ako ng marinig kong sumigaw yung mga tao at nakita ko na lang na dumudugo yung labi ni Kyle. Sinapak niya rin yung kamukha niya bilang pagganti.

"Hoy! Ano ba kayong dalawa?" pag-awat ko sa kanila. Heto na naman po itong mga kamera na ito. Pagbabasagin ko na to eh.

Akma pa sanang susuntok si kamukha ni Kyle pero humarang ako kaya natigilan siya. Hinawakan naman ni Kyle ang kamay ko ng mahigpit.

"Tara na, babe. Ayaw ko ng gulo." saad nya. WHAT? BABE? Baka maisuka ko lahat ng kinain ko kanina. Pero nakisabay na lang rin ako. Ayaw ko rin kasi ng gulo at ayaw ko sa kamera.

Pero sino yung kamukha ng mokong si Kyle.

"Joanna!" sigaw ng kamukha ni Kyle. Napalingon naman ako pero hinigit lang ako palayo ni Kyle sa kaniya.

"Joanna! It's me, Dyle!" Napatunganga ako ng marinig kong siya si Dyle.

Tinitigan ko lang si Kyle at blangkong ekspresyon lang yung nakikita ko.

"Halika na," saad niya.

"JOANNA!" muling sigaw ni Dyle.

"Hindi ako sasama sayo hangga't hindi mo ipinapaliwanag sa akin to," saad ko. Tinitigan niya lang ako at bumuntong hininga.

"I'm Kyle and his my twin brother, Dyle," saad niya.

"Ano? Akala ko ba ikaw si Dyle? Huh?" Naiinis kong tanong sa kaniya. Napakasinungaling niya. Ang sarap niyang ibalibag sa harap ng maraming tao.

"Joanna, please listen to me." Saad niya at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Don't you dare touch me, Santos!" at tinabig ko ang kamay niya.

"Joanna, please," pagmamakaawa niya.

"Stop it, Kyle!" saad ni Dyle.

"Leave Joanna alone. Hayaan mo na lang siya matapos kang magpanggap na ako. Who are you to fool her?" Galit na galit na tugon ni Dyle at akmang susuntukin si Kyle.

"Stop! The both of you. Kyle, tama na ayaw ko munang makipag-usap o makita ka pa. Dyle, hatid mo na lang ako." mahinahon kong sabi.

Iniwan naming nakatunganga si Kyle sa may mall at sumakay na ako sa kotse ni Dyle.

"Urrrgg!" ginulo-gulo ko ang buhok ko.

"Nakakaasar! Mamatay na siya! Gumawa na naman ng eksena! Tainiz! Mamaya viral na naman yang tanginiz na eksena na yan!" pagwawala ko sa loob ng kotse ni Dyle.

"Calm yourself, Joanna." saad ni Dyle.

"Calm myself? Ano to? Plinano niyo ba ito ng kambal mo? Hindi porket magkamukha kayo ay pwede niyo na akong loko-lokohin."

"Hindi ko alam to, Jo. Promise. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa kapatid ko at bakit niya naisipang magpanggap na ako. At kung anuman ang habol niya sayo. Hindi ko alam yun." saad ni Dyle.

"Eh paker pala yang kapatid mo eh. Nasisiraan na ng ulo." Inis na inis na talaga ako.

Buong biyahe namin pauwi sa bahay ay hindi niya ako kinausap, malamang sa malamang dahil alam niyang galit na galit pa rin ako doon sa nangyari. SIno ba kasing hindi magagalit kung ganoong kalakas mangtrip yung dalawa.

My Summer BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon