***
1:30 pm.
Ready na ako. Nakayellow tshirt lang ako at pants kahit na gusto kong magdress kasibaka makipagbalikan siya sa akin --- erase! erase!
In the end? Nagdress nga ako. Pink.
***
Nandito na ako sa meeting place namin. Walang gaanong pinagbago ang park na ito. Tulad pa rin ng dati. Dito nangyari yung mga the best days namin ni Jerome. Pero akala ko ba hindi naman ako naging masaya kasama siya? Denial lang siguro ako kasi nasaktan ako ng sobra.
Siguro kaya dito niya ako pinapunta para makipagbalikan sa akin. Para ibalik lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Hindi pa naman huli ang lahat di ba?
HALER!
Kahapon lang kaya kami nagbreak kaya syempre gagawa yun ng paraan para magkabati kami.
"Nandiyan ka na pala! Kanina ka pa ba?"
Kilala ko kung kaninong boses iyon. Lilingon ba ako o huwag na lang? Hindi ko sinagot yung tanong niya kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
"Grabe tong ex mo pare! Nag-abala pang magdress para sayo."
Sa pagkakataon na iyon nilingon ko siya. Faq! Ano to lokohan. Kasama niya yung mga tropa niya at tawa ng tawa dahil sa effort na binigay ko samantalang siya naka jersy shortss aat sando lang.
"Oh! Sabi sa inyo di ba pupunta yan? Kaya akin na 500 ko. Sampu kayong nakipagdare kaya 5000 na!"
Hanudaw 0.o? Dare lang to?
Kumunot yung noo ko. Hindi talaga ako nasasaktan! Hindi rin ako naiiyak! Dapat magalit ako! Pero wala akong emosyon. Nakapoker face lang ako kasi ayaw kong umiyak dito. Ayaw kong magwala dito at pagsasampalin siya. Grabe ang pagpapahiya niya sa akin huh?
"Oo naman pare! Nagready na kaya kami ng 500 namin para sayo!"
"Grabe pare! She still in love with you!"
"Oo nga pre! Nag-effort pa nga oh!"
Sana lamunin na lang ako ng lupa dito. Ay mali! Mali!
Sana lamunin na lang sila bigla ng lupa diyan. Lumindol ng malakas. Magkasink-hole sa kintatayuan nila. May magcrash na eroplano papunta sa kinalalagyan nila. Magkaroon ng barilan sa paligid. Anything para mawala na sila diyan.
"For your information. Hindi ako nagsuot ng ganito para makipagkita sayo, Jerome. Kasi may iba akong hinihintay" Ako. Cold ang pagkakasabi ko sa kaniya.
"Talaga?"
"weh? Di nga?"
"Palusot mo teh"
"Sige nga! Tingnan natin kong siputin ka ng imaginary date mo." Sabi ni Jerome with his evil smile.
Ang sarap pinturahan ng mukha niya nang kuminis kinis naman. Maputi ka nga para ka namang kamatis dahil sa namamaga mong pimples.
"Oh? Bakit hindi ka makapagsalita?" tanong ng tropa niyang, Joshua ata ang pangalan.
Okay! Susuko na ba ako sa mga ito? Tatakbo na lang ako papunta sa airport at lumipad papunta sa ibang bansa, magparetoke ng mukha at magpalit ng pangalan?
May lumapit sa akin na may dalang dalawang ice cream cone. OO! CONE lang! Hahaha jowk! Syempre may ice cream rin.
"Wifey ko! Sino ba yang mga yan huh? Bumili lang ako ng ice cream ang dami ng sumusulot sa maganda kong girlfriend. Oh ice cream mo."
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...