~
Pumunta kami sa barangay hall kung saan pansamantalang ikinulong si Jer- yung mga bumugbog kay Kyle.
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa kotse ay ang ingay-ingay na sa loob ng barangay hall, kung saan may maliit na selda para sa mga nahuhuli nila na lumalabag sa curfew.
Nadinig ko palang ang mga boses ng mga yun nag-iinit ng ulo ko. Hindi ko alam kung kaibigan nga ba talaga sila ni Jerome, kasi parang pakiramdam ko sila pa ang nagtulak kay Jerome para gawin ang mga kabulastugang bagay na hindi naman ginagawa ni Jerome dati.
Napalapit lang siya sa mga barkada niyang iyon tapos unti-unti hindi ko namalayan na ang laki na pala ng pinagbago niya. Napaka walang kwenta kong girlfriend kay Jerome kasi hindi ko man lang nagawang mapansin yun. Kasi hindi ko nagawang agapan yung ganoong pangyayari. Kasi hindi ko napansin na unti-unti na pala kaming nasisira.
Saan ko nga ba tinuon ang atensiyon ko noong mga panahon na yun? At bakit hindi ko napansin ang mga pagbabago sa kaniya, sa akin at sa relasyon namin?
Kinakabahan akong pumasok sa barangay hall kasabay nila Kyle at Dyle. Bigla namang natahimik ang mga barkada niya at nakita ko si Jerome sa isang sulok at nakayuko. Bigla akong nakaramdam ng awa. Sandaling kinausap nila Kyle at Dyle ang mga tanod.
Tinitingnan naman ako ng mga tropa ni Jerome. Pero hindi ko mabasa ang iniisip nila, lahat kasi sila ay may blankong expression nung titigan nila ako. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko nalulungkot ako.
Itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagalaro ng piano tiles ng nakasilent. Wala akong ibang magawa kundi ituon ang atensyon ko sa iba. Ayaw ko kasing maluha, madali pa naman akong umiyak.
"Jo, wag kang lalapit sa lalaking yan!" laking gulat ko ng sumigaw si Jerome.
Napatitig naman ako sa kaniya at umiiyak siya.
"Jo, mapapahamak ka lang. Please!" sigaw niyang muli pero sinigawan siya nung tanod.
Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang kwintas sa bulsa ko. Iniabot ko to sa kaniya at tinitigan niya lang ako habang lumuluha siya.
"Wag ka ng gumawa ng gulo kasi kahit anong sabihin mong paninira ay hindi ko paniniwalaan, kasi hindi ko na kilala ang Jerome na kaharap ko ngayon," pagkasabi ko nun ay may tumulo na luha sa mga mata ko. Agad ko naman tong pinunasan at naglakad palayo.
Patuloy lang sa pagsigaw si Jerome at nagwawala siya sa loob ng selda. Wala namang ibang ginawa ang mga barkada niya kundi manahimik.
Nagpatuloy lang sa pagwawala si Jerome at pinigian naman siya ng mga tanod. Pinakausapan naman ako ni Kyle na lumabas na muna at nagdesisyon na ang akong umuwi kasi hindi ko kayang makita na ganun si Jerome. Hinatid na ang ako ni Dyle nang dumating na ang abogado ni Kye habang si Kyle na ang kumakausap sa mga ito.
Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at isinubsob ang sarili ko sa kama. Gusto kong umiyak pero wala ni isang patak ng luha. Gusto kong sumigaw pero parang nawalan na ako ng boses.
Hindi ko akalain na gagawin ni Jerome yun. Hindi ko akalain na gagawa pa siya ng kwento para lang paniwalaan ko siya. Ano naman kayang ikakapahamak ko kapag lumapit ako kila Kyle at Dyle? Mukha namang mas ligtas pa nga ako sa piling nila kaysa nung mga panahon na kasama ko si Jerome.
Dahil sa sama ng loob ko nakatulog na lang ako bigla.
~
~
~
Maya-maya ay nakaramdam ako ng mamasa-masang bimpo na pinupunas sa akin. Iminulat ko ang mata ko. Nakita ko si mama na pinupunasan ako ng bimpo.
"Bakit ma?" tanong ko sa kaniya.
Medyo masakit ang ulo ko at napakasama talaga ng pakiramdam ko. Baka walang katulong si mama sa karinderya niya.
"Ang taas ng lagnat mo anak eh. Siguro dapat magpahinga ka muna. Lately kasi puro trabaho at lakwatsya na lang ang ginagawa mo. Siguro kulang ka lang sa pahinga. Magpahinga ka muna diyan huh? Kami na nila tita mo ang bahala sa karinderya. Papadalhan na lang kita ng makakain rito maya-maya," paalam sa akin ni mama.
Siguro nga dahil lang to sa stress at pagod ko. Plus puyat pa ako palagi. Hindi ko na naaalagaan ng mabuti ang sarili ko.
Wala akong ibang ginawa kundi tumingin at titigan ang ilaw sa kisame. Tinitigan ko lang ito at walang ibang iniisip. Nakablanko ang utak ko. Parang walang pakialam sa mundo at gusto ko lang mapayapa ang isipan ko.
Sinusubukan kong magrelax at irefresh ang utak ko dahil sobra-sobra ang pagkabigla ko sa mga pangyayari, sobra-sobra ang pagkainis ko at sobra-sobra ang pakiramdam ko na hindi ko maintindihan.
Pakiramdam na hindi mo alam kung ano nga ba talaga ang nararamdaman mo. Pakiramdam kung ano ba ang emosyon na nangingibabaw sa iyo. Pakiramdam ng naguguluhan. Yung pakiramda na parang naging padalos-dalos ka sa mga ikinikilos mo.
Ganun ang pakiramdam ko. Sobra-sobra na ang mga emosyon na naghahalo-halo sa loob ko kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kaya minabuti ko na lang na gawing blanko ang isipan at wag na munang mag-isip ng kung ano-ano.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto kaya tiningnan ko kung sino ang tao. Nakita ko naman si Paula na may dala-dalang tray ng pagkain. Nginitian ko lang siya at naupo ako sa higaan.
"Wait lang ate huh," paalam niya sa akin at saka tumakbo palabas.
Halla! Gigiba na ata ang bahay namin. Hahaha. Dapat pala gumawa na ako ng maaraming sign na do not run dito para hindi na siya takbo ng takbo. Dumating siya na may dala-dala ulit na pagkain. Tinitigan ko lang siya kasi nagtataka ako kung bakit parang lahat ng paborito ko ay inihanda ni mama. Yiiiee. Ang sweet naman.
"Wait lang ulit ate huh?" sabi niya sabay takbo sa labas baka mangunguha ng tubig.
Maya-maya ay halos lumuwa na ang mata ko kasi may tatlong tray ng pagkain ang patong-patong niyang dinala. Nginitian niya lang ako habang ako naman titig na titig sa dala niya. Kaya ko bang ubusin yan?
"B-bakit ang dami? Hindi ko mauubos yan," saad ko.
"Hindi naman yan para sayo ate eh. Yun lang ang sayo oh, tag-iisa ng iba't-ibang putahe. Tapos yung iba akin na lahat," natutuwa niyang paliwanag sa akin.
Napailing-iling na lang ako sa sinabi niya. Bakit kasi napakaassumera ko naman at inisip na akin yung mga pinagdadala niyang pagkain.
"Ah ganun ba? Bakit may sakit ka rin?" tanong ko sa kaniya.
Umiling lang siya at biglang pumasok si tita na may dala-dala ulit na isa pang tray ng mga sweets and desserts. Plus isang jug ng tubig. Inabot naman ito ni Paula habang nagpalinga-linga sa paligid ng kwarto ko at inilapag sa sahig yung tray.
"Wala naman po. Sasamahan lang kitang kumain," sabi niya at sabay ngumiti.
Nginitian ko na lang siya pabalik na parang napipilitan kasi hindi ko alam kung anong irereact ko sa mga pagkaing dala-dala niya. Nagpatuloy lang siya sa paglinga-linga sa buong kwarto hanggang sa inilapag niya na lang sa sahig yung tray.
Bumaling siya sa akin saka muling ngumiti ng nakakaloko.
"Wala na kasing mapaglagyan eh," tuwang-tuwa niyang sabi.
Tinitigan ko naman yung mini table ko. Grabe patong patong yung tray parang mayroong food tower. Nakakaloka.
"Tara, ate. Kain na tayo," pagyayaya niya sa akin.
Tumayo naman ako at maingat na inalis yung tore ng pagkain sa minitable at inilapag rin ito sa sahig. Pinagitna ko ang mini table at doon isa-isang inilagay ang pagkain pero syempre hindi ko nailagay lahat. Ang dami eh.
_____________
Kalokohan tong update na toh. Pasensiya kung nalate ng isang araw. Hindi kasi ako nakapag open kagabi. Wala kasing connection.
Naalala ko kasi si Garfield eh. Doon sa part 2. Yung nagkapalit sila nung prince at tore-tore na ng tray ng pagkain ang nasa kwarto niya. Bwahahahaha. AbusoMuch! xD
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...