Chapter 25

98 17 0
                                    



-----

*beep* *beep*

"Joanna! Anak!" sigaw sa ni mama.

Hay. Ano naman kaya yun. May inaayos pa ako dito sa kwarto ko eh.

"Bakit ma?"

Pagkababa ko palang eh nakita ko na agad yung mukha ni Kyle. Hindi ko alam pero wala talaga ako sa mood na makita ang kahit na sinuman sa kanila. Yung mama ni Jerome, si Jerome at itong kambal na ito.

"Anong ginagawa mo dito?" masungit kong tanong sa kaniya.

"Wala naman. Gusto lang kitang kamustahin."

"Okay lang naman ako kanina Pero ngayon hindi na." napabuntong hininga na lang ako.

"Ang sungit mo ata ngayon ah." sabi niya.

Napairap nalang ako sa kawalan tsakaa bumalik sa taas. Ewan ko ba. Parang biglang uminit ang ulo ko sa mga iyon. Siguro dahil ayaw ko ng makarinig ng ano pa mang tungkol doon sa nangyari. Naiinis kasi ako dahil sa tuwing nakikita ko sila eh naiistress ako. Tsaka sawang-sawa na ako sa pamromroblema.

Papasok pa lang ako sa kwarto ko ng bigla siyang humarang sa pinto.

"Uy! Bakit ang sungit mo ngayon?" tanong niya sa akin na may kasamang nakakalokong ngiti.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagdecide na lang akong bumaba na lang ulit sa karinderya. Doon marami pa akong trabaho kaya marami akong dahilan para hindi pansinin. Bumaba na ako saka nag-asikaso ng orders nila. Ilalapag ko palang sana yung mga inorder nung manong karpintero nang makita ko ang nanay ni Jerome sa kabilang kalsada sa tapat ng karinderya namin.

Bakit ba ganun? Gusto ko munang lumayo sa kanila. God please? Kahit isang araw lang. Ayaw ko muna silang makita ng isang araw.

Malayo palang ay iyak na naman ng iyak si tita. Napansin naman kaagad yun ni Kyle.

"Siya ba yung nanay nung lalaking yun na laging nanggugulo sayo?" pagalit na tanong sa akin ni Kyle.

Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagseserve sa mga costumers.

"TAMA YAN! WAG KA NG BABALIK RITO!" bigla ko na lang narinig na sumigaw si Kyle.

Umiiyak naman na tumakbo yung nanay ni Jerome kaya dali dali kong pinuntahan si Kyle.

"Anong ginawa mo?" pagalit kong tanong kay Kyle.

Lumappit naman sa amin si mama.

"Pakiusap lang, wag kayong mag-iskandalo dito. Kung gusto niyong mag-usap doon kayo sa taas."  bulong sa amin ni mama.

"Opo ma. pasensya na po."

"At ikaw iho. Matuto kang gumalang sa mas nakakatanda sayo. Hindi yung bigla bigla mo na lang pagtataasan ng boses." pagalit na sabi ni mama kay Kyle.

Napayuko na lang siya at tahimik na lang kaming umakyat sa taas.

pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto ay hindi ko napigilang sampalin si Kyle.

"Alam mo Kyle? Wala kang karapatang pagtaasan ng boses yung nanay ni Jerome. At mas lalong wala kang karapatan na palayasin siya dito sa pamamahay namin! Lalo na't wala naman siyang ginagawang masama sayo."

"Pero ang kulit kasi ng matandang iyon eh. Kasalanan ng lintik na anak niya yun kaya bakit ko papalayain yung anak niya. Ano siya? Sinuswerte?"

My Summer BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon