Chapter 13

556 43 16
                                    


Joanna's POV

Ewan ko ba. Pero nagising na lang ako na ang init-init ng ulo nitong tukmol na ito. Dali-dali tuloy akong bumaba kasi sigaw siya ng sigaw.

Nang makita niya ako sa pinto ay parang nakakita siya ng multo. Gulat na gulat ba naman kasi siya.

"A-ah.. Nakita mo ba yung nangyari?" nangangatog niyang tanong sa akin.

May mga bituin tuloy na sumilay sa mga mata ko. Sabihin ko kaya na nakita ko ang lahat. Lahat lahat ng nangyari kanina para magamit kong pangblockmail sa kanya. Haha. Evil plans.

"Nakita mo ba?" muli niyang tanong sa akin.

Hindi ko alam pero parang sobrang sakit ng pagkakasabi niya nung mga yun. Parang masisira na ang buong pagkatao niya pag nalaman ko yun.

"Hindi," honest kong pagkakasabi sa kaniya saka ako ngumiti. Mabait naman ako at matalino rin. Kaya makakahanap rin ako ng paraan para mablockmail ang tukmol na ito.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Hindi ko alam pero parang tinutusok yung puso ko. Damang-dama ko yung kalungkutan niya. Hindi ko maexplain kung bakit pero.. ewan ko ba! Ang alam ko lang ay kailangan niya ng karamay ngayon kaya't yinakap ko rin siya pabalik.

Mas lalo kong hinigpitan yung pagkakayakap ko sa kaniya nung naramdaman kong umiyak siya.

"Minsan, kailangan talaga nating umiyak pero hindi ibig sabihin nun ay mahina tayo. Dahil sa bawat patak ng luha natin, katumbas nito ang sakit na magbibigay sa atin ng lakas upang muling lumaban," mahina kung sabi sa kaniya saka siya bumitaw mula sa pagkakayakap niya sa akin.

"Salamat, Joanna." sabi niya at ngumiti ng tipid.

Napangisi ako sa loob-loob ko. Haha. May weird side talaga tong tukmol na to. Sobrang weird. Kakakilabot yung pagiging weird niya eh. Haha. Kaya nga feeling ko nahahawa na ako. Dapat umalis na talaga ako sa bahay na to dahil nagiging baliw na rin ako tulad niya at isa pa malalagot ako sa mga professor ko.

"Magbihis ka na," nagulat naman ako nang bigla siyang magsalita.

"H-huh? Ano? Bakit? Para saan?" sunod-sunod kong tanong.

"Meeting with my manager?" simple niyang sagot. Bigla namang nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi niya.

"Pfft. WAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA!" bulalas ni tukmol at sinamaan ko siya ng tingin.

"Joke lang. uuwi ka na sa inyo," saad niya.

"Oh talaga? Binulungan ka ba ng anghel?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi, sagabal lang si satanas." muli niyang saad.

Natawa naman ako sa sinabi niya kasi may kasama pang pout eh. Kamaskulado niyang tao tapos biglang magpapout. Laughtrip siya. Hahaha.

"Bakit naman?" tanong ko sa kaniya.

"I'l be going to have a photo shoot abroad," saad niya. Gusto ko sanang sabihin. Oh talaga? Sama ako. kaso wag na lang kasi siya na naman ang kasama ko. Kakasawa na mukha niya ah.

"Haha. Buti naman at makakauwi na ako sa bahay." tuwang-tuwa kong sabi.

"Malamang, ayaw ko namang ipagkatiwala ung bahay sayo. baka pag balik ko lahat na ng kitchen utensils ko naka kalat at ilalaglag mo na naman sa hagdan." saad niya at muling bumulalas ng tawa.

Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil naalala ko na naman yung kagagahang ginawa ko. Hmp!

----

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas pero parang feeling ko dekada na ang nakakaraan kasi naman traffic pa. Taeng-tae na akong umuwi eh.

My Summer BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon