Chapter 3

6K 153 4
                                    

Dawn's POV

"Sism."

Napatingin ako sa kapatid ko na pumasok dito sa closet ko sa Condo. "Bakit?" Tanong ko habang nakaharap ako sa isang side nang closet ko na puro high heels o shoes.

"Anung ginagawa mo?"

"Nag hahanap nang maisusuot may dinner sa bahay ni Sharon remember?"

"Yeah, dinner na hindi na gimik." Natatawang sabi ni Alice.

Tumingin ako sa kanya. "Bawal na ang gimik alam mo na mga may asawa na tayo nalang ang available."

"Yeah, ikaw nalang ang hindi available Sism."

"Malapit na rin akong mag ka-asawa, pero hindi ko pa siya kilala. Sana lang gwapo at may six packs abs."

"Bakit hindi mo alamin kung sino siya Sism tanong mo kay Daddy ang name."

"Saka nalang hindi din naman ako interesado."

"Sism?"

"Sandali." Pumasok ako sa dressing room at isunuot ang napili kung light blue mid thigh dress. Pag kalabas ko hinila ko ang blue high heels at saka naupo sa tabi ni Alice habang sinusuot ang heels. "Anu yun?" Tanong ko at humarap sa kanya.

"Are you ready to settle down?" Seryosong tanong niya.

"Alice anu kaba uso na ngayon ang fixed marriage, wala naman akong magagawa dahil sa akin pa nangyari yun. Kailangan mo lang naman pakisamahan ang lalaking mapapangasawa mo magiging okay din kayo sa isat-isa pag dating nang panahon."

"Ganun lang para sayo yun Sism?"

"Yeah, ganun lang talaga." Sabi ko at umupo ako sa make-up chair ko habang inaayusan ko ang sarili ko.

"Nakalimutan mo na ba talaga siya?"

Napahinto ako sa ginagawa ko. "Sinong siya ang tinutukoy mo Alice?"

"Kilala mo kung sino ang tinutukoy ko Ate."

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. "Hinding-hindi ko siya makakalimutan dahil galit pa rin ako sa kanya hangang ngayon."

"Paano kung bumalik pala siya?"

"Wala na akong pakialam kung bumalik man siya Alice sa ngayon ayoko siyang makita."

"Relax Sism." Sabi ni Alice at tinapik ako sa balikat.

++++

"Finally!" Bulong ko sa sarili ko nang makarating din ako sa bahay nila Sharon.

Bumaba ako sa coupe and convertible purple audi ko bitbit ang aking bag. "Good evening Ma'am Dawn." Bati sa akin nang security ni Sharon.

Tumango lang ako at nag dire-diretso sa pag pasok. "Hello Bitches." Sigaw ko nang makita ko sila sa sala.

"Late ka." Salubong nila sa akin at isa-isang bumeso.

"I'm sorry na-late ako subra ang traffic eh."

Nagpatuloy na kami sa dinning hall at nag simula nang kumain habang walang tigil ang kwentuhan.

"Guys i have something to tell." Biglang sigaw ni Sheryl.

"What is it?" Tanong ko.

"I'm pregnant 5 weeks."

"Congratulation, ako kaya kailan ma-pe-preggy." Malanding sabi ni Vicey.

Nagtawanan naman kaming lahat.

"Wala kang matris wag kanang umasa." Natatawang sabi ni Kris habang kandong ang anak na si Kristine at katabi ang asawang si Robin.

Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon