Chapter 4

5.3K 145 3
                                    

Dawn's POV

"Hi baby." Naupo ako sa damuhan. Nasanay na yata akong pumunta dito kahit anung oras.

"Hi baby alam mo lagi nalang akong nadadalaw dito kapag may problema ako, panu ba naman ikaw lang ang mapag sasabihan ko nang ka-dramahan ni Mommy. Nakita ko ulit siya baby sa subrang galit ko nasampal ko siya eh. Sa dinami-dami nang lalaki sa buong mundo bakit siya pa? Siya pa ang napiling mapangasawa ko." Pinunasan ko ang luha ko. "Galit na galit ako."

------
"Mahal sorry late ako." Sabi niya pag dating niya dito sa condo unit niya. Hinalikan niya ako nang mabilis sa labi.

"Saan kaba galing?" Tanong ko habang inaayos ang pag kain na pinadeliver ko.

Naupo naman siya at mabilis akong kinandong. "May dinaanan lang ako mahal, kain na tayo para ikaw naman ang kainin ko mamaya." Pilyo niyang sabi.

Kinurot ko ang ilong niya. "Baliw ka talaga." Tumayo ako sa kandungan niya at naupo sa kaharap na upuan. "Mabuti pa kumain na tayo, kailangan kung unuwi."

Sumimangot siya. "Anu? Diba sabi mo dito ka matutulog?"

"Mahal kailangan kung umuwi sa sarili kung condo baka makahalata sila Daddy na dito ako natutulog."

"Okay, basta bukas dito ka matulog ha?"

"Ikaw nalang ang mag punta sa condo ko, ikaw naman ang matulog doon."

Ngumiti siya. "Okay." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "The best talaga ang girlfriend ko."

"Sus nambola pa, kain na tayo ha? Hatid mo din ako mahal please."

"Sempre ihahatid kita, gusto ko na maging safe palagi ang nag iisang babae sa buhay ko."

Napangiti ako sa kanya saka kami nag patuloy sa pagkain.

----

"Richard?"

"Mahal ko nasan ka?"

"Mahal sorry hindi ako pinauwi sa condo, nandyan kana ba?"

"Oo kanina pa ako nandito Dawn tumatawag ako sayo pero hindi ka sumasagot."

"Sorry mahal ko babawi nalang ako sayo ha? Medyo masama rin kasi yung pakiramdam ko."

"Okay sige, mag pahinga kana. Basta tumawag ka sa akin ha?"

"Oo, i love you Richard"

"I love you too Dawn."

Pinatay ko na ang linya pag karinig ko nang sagot niya.

----

"Good evening Ma'am." Bati sa akin nung security sa condo ni Richard.

Tumango lang ako at nag patuloy sa pag lalakad papunta sa elevator. Pag karating sa floor ni Richard nag mamadali na akong mag punta sa condo unit niya.

Pagtapat ko sa pinto hindi na ako nag door bell dahil may susi naman ako nang condo unit niya.

Miss na miss ko na ang boyfriend ko dahil isanh lingo rin kaming hindi nagkita. Pag pasok ko napansin ko ka-agad na malinis ang sala.

Pag tapat ko sa pinto nang kwarto na nakabukas nang bahagya narinig kung may tao sa loob. Hindi lang si Richard kundi may kasama rin siya.

Bigla naman akong kinabahan sa narinig ko. Dahil hindi lang basta mga boses kundi mga ungol ang naririnig ko.

Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon