Enjoy reading. Thank you
----
Dawn's POV
NAPABITIW ako at lumayo nang bahagya kay Richard nang makita ko si Yvette.
"Yvette what are you doing here?" Tanong ni Richard sa kanya habang hawak ang isang kamay ko.
"Its a place for employee sir breaktime ko pa po kaya nag punta ako dito."
Napatingin si Richard sa akin at tumingin ulit kay Yvette. "Okay Yvette." Hihilahin na sana ako ni Richard nang mag salita si Yvette.
"Sir anu niyo po si Dawn?" Tanong ni Yvette.
"She's my fiancee. Ayokong may ibang makaalam nito Yvette. I want her privacy." Bilin ni Richard.
Tumango si Yvette at tumingin sa akin. "Walang problema Sir."
"Good. Lets go." Hinila ako ni Richard para makaalis na.
"Richard saan mo ako dadalhin?" Pigil ko sa kanya.
"Babalik na tayo. Ikaw rin." Kinintalan niya nang halik ang labi ko. "Mamaya tatawagan kita ha?"
Tumango ako. "Oo sige pupunta na ako sa office ko." Paalam ko.
Ngumiti lang siya at umalis na ako para makabalik sa office namin.
Umupo na ako sa pwesto ko para makapag trabaho na busy kasi yung dalawa. Busy sa kanya-kanyang ginagawa.
Napatingin ako sa pag pasok ni Yvette nakatingin siya sa akin pagkatapos ngumiti siya. Ngiting nakakaloko.
Hindi ko nalang siya pinansin at patuloy sa pag gawa nang trabaho ko.
Habang nag ta-trabaho ako may nareceive akong text galing sa barkada.
Dawn, bahay tayo ni Sharon mamaya. Dinner okay? Bawal absent.
Pag basa ko sa message ni Sheryl. Nag reply naman ako agad.
Mag papaalam muna ako kay Richard, text kita kapag sure na ako. Okay?
Habang nag aantay ako nang reply nag simula na muna ako sa pag ta-type nang mga paper works.
Nag reply naman si Sheryl kaya binasa ko na kaagad.
Isama mo nalang siya.
Hindi na ako nag reply at nag patuloy sa ginagawa ko para matapos ko na siya ngayon.
"Dawn?"
Napalingon ako kay Eve na tumawag sa akin. "Bakit?"
"Wala naman." Sabi niya at saka ngumisi sa akin.
Kinurot ko naman siya sa tagiliran habang nagpatuloy na sa pag ta-type nang papers.
Maya-maya lang narinig ko na ang alarm ni Remy. Nag a-alarm talaga siya kapag 5pm na.
"Hola!!! Uwian na naman." Tili ni Remy.
Napailing nalang ako wala talaga silang inaantay kundi uwian at breaktime.
Sinave ko na ang ginagawa ko bago ko shinutdown ang computer ko.
"Dawn mauna na kami sayo ni Eve ha? Mag papasama pa kasi ako sa kanya sa kabilang department." Nakangiting paalam ni Remy.
"Sige." Nakipag beso pa ako sa kanilang dalawa bago sila umalis.
"Bye Dawn." Paalam nang ibang officemate ko sa akin.
Tumango lang ako at ngumiti sa kanila habang inaayos ko ang gamit ko sa bag.
Palabas na ako nang mag ring ang cellphone ko na agad ko namang kinuha sa aking bag.
BINABASA MO ANG
Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)
Fanfiction"You don't have a choice, whether you like or not you will be my WIFE. Don't worry i can satisfy your needs, remember when we made love? you always scream my name in want's" -Richard La Beunaventura