Epilogue

7.3K 152 17
                                    

This is dedicated to @princess_raisa and @allyana lohan. Enjoy reading guys and thank you.
This is the last chapter of Marrying My Ex-girlfriend.

*********

Dawn's POV

NAUPO ako sa tabi nang anak ko na nakaupo na sa damuhan. Kinandong ko si Ynrich.

"Gusto po kitang makalaro, sana nandito para naman may nakakalaro ako. Mag habulan tayo katulad nang madalas ko po ginagawa sa garden nang bahay natin." Narinig kung sabi nang anak ko habang nakatingin sa lapidang nasa harapan niya.

Humawak naman ako sa balikat nang anak ko. "Hayaan muna Liam ako nalang ang makikipag laro sa inyu ni Ynrich."

Umiling ang anak ko. "Mas masaya siguro kung kasali po siya Mommy. Mas marami, mas masaya."

"Anak malapit nang lumaki si Ynrich makakalaro mo na rin siya. Masasakay mo na rin siya sa toycar mo diba masaya yun?"

Tumango naman siya. "Masaya din kung kasama po siya." Sabay turo ni Liam sa lapida.

Pilit akong ngumiti. "Anak kailangan mo mag move on."

Ngumiti ang anak ko. "Mommy ayokong makita kang malungkot kaya hindi na po ako mangungulit." Yumakap siya sa akin.

Niyakap ko din ang anak ko. Napatingin ako sa lapida. "Kung nandito ka lang malamang mas masaya tayong pamilya." Mapait akong ngumiti.

"Dawn?!" Napatingin ako sa sumigaw.

Mabilis na napangiti ako nang makilala ko ang lalaking palapit sa amin.

"Daddy!" Sigaw ni Liam at agad na sinalubong ang Daddy niya.

Mabilis naman siyang binuhat ni Richard at lumapit sa amin ni Ynrich at naupo sa tabi namin.

"Kuya ang laki na ni Liam oh!" Nakangiting kausap ni Richard sa lapida. "Sana nandito ka para may kalaro siya pero bantayan mo nalang si Liam at Ynrich. Mahal na mahal ka namin."

Napangiti ako, nandito kami sa sementeryo kung saan nakalibing ang unang anak namin ni Richard.

"Kuya bantayan mo si Liam dahil pasaway na gusto niya na rin nang makakalaro." Nakangiting sabi ko.

"Oh kuya paano ba yan aalis na kami, bi-bisita nalang kami ulit nang Mommy mo dito kasama itong mga makukulit mo nang kapatid." Paalam ni Richard.

Kinuha niya si Ynrich sa akin at tinulungan akong tumayo. "Kuya aalis na kami babalik nalang kami ah." Paalam ko.

Kumapit sa isang kamay ko si Liam habang buhat naman ni Richard si Ynrich pero nakahawak sa bewang ko ang isang kamay niya.

*********

NAPAPITLAG ako nang yumakap si Richard sa akin mula sa likuran. "Mahal hindi kapa inaantok?"

"Hindi pa, inaantay kita. Tulog naba ang mga anak natin?" Tanong ko sa kanya at humarap.

Tumango naman siya at iginiya na akong maglakad papunta sa kwarto naming dalawa.

Nahiga kami sa kama nang mag kayakap. Hinalikan niya ako sa noo. Yumakap naman ako sa kanya.

"Mahal i love you." Mahinang kung sabi habang nakatitig sa kanya.

Hinimas niya ang pisnge ko. "I love you too Dawn."

Kinurot ko siya. "Tinakot mo ako nung nasa ospital tayo akala ko mawawala kana." Pinalungkot ko pa ang mukha ko.

"Ayokong mawala Dawn kaya pinilit kung lumaban para mabuhay para sayo at para sa mga anak natin."

Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon