Chapter 25

4.8K 110 18
                                    


Enjoy reading :')

*******

Dawn's POV

TUMINGIN ako kay Richard at Gretchen. Napataas agad ang kilay ko nang makita kung nakapulupot ang dalawang braso ni Gretchen sa braso ni Richard.

Parang wala namang pakialam si Richard dahil patuloy lang sa pakikipag usap sa kausap niya. Habang si Gretchen ay mukhang feel na feel ang pag hawak kay Richard.

Humarap ulit ako sa mga kaibigan ko. "Parang gusto kung maging bitch ngayon gabi." Naiinis na sabi ko.

"Susuportahan kita dyan Dawn. Back-up mo ako." Nakangising sabi ni Remy.

"Relax lang Dawn hayaan mo muna siya mag enjoy kay Richard." Nakangiting sabi ni Eve.

"Yeah, may sasabihin muna ako kay Richard." Nakangiting sabi ni Xander bago umalis sa kinuupuan niya.

Napasunod naman ang tingin naming tatlo kay Xander na papalapit kay Richard.

Nagulat nalang kaming tatlo nang pasimpleng hilahin ni Xander si Richard kaya napabitiw si Gretchen.

Napatingin si Richard sa akin. Ngumiti ako sa kanya at ganun din naman siya sa akin bago ibinalik ang tingin kay Xander.

Bumalik naman si Xander sa table namin pagkatapos nilang mag usap ni Richard.

"Ang galing mo Fafa Xander." Malanding sabi ni Remy.

"Nakasimangot si Gretchen sayo kanina eh." Natatawang sabi ni Yvette.

"Paano ba naman si Xander ang may kasalanan kung bakit napabitaw siya kay Richard." Si Eve.

"Anu nga pala ang sinabi mo?" Tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin. "Secret."

"Leche ang daming alam." Natatawang sabi ko.

Kumindat lang siya sa akin at nag patuloy na kaming tatlo sa pag kain.

"Mahal?"

Napatingin agad ako sa likuran ko nang marinig ko ang pagtawag ni Richard.

"Oh?" Tumayo na ako.

Mabilis niya naman hinalikan ang labi ko at ngumiti sa akin. "Okay kalang dito?"

Inayos ko ang nagusot niyang coat. "Oo naman, nag-eenjoy naman ako kasama sila Yvette. Nagugutom kana ba? Kain ka muna." Hinila ko siya paupo sa tabi ko.

"Hi Sir." Sabay-sabay nilang bati kay Richard.

"Hello." Sabi ni Richard at bumaling ulit sa akin ang tingin. "Tapos kana ba kumain?"

Tumango ako. "Oo, gusto mo ikuha kita nang pagkain mo?"

"Ako na, dito kana lang." Pigil niya sa akin at umalis na siya. Pagbalik niya agad naman siyang kumain.

Tinitigan ko naman siya habang kukamain. Ang gwapo niya kahit na anung gawin niya.

"Mahal baka matunaw ako." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa pagkain.

"Ang pangit mo kasi kumain." Natatawang sabi ko.

"Grabe ka sa akin." Sabi niya at nag patuloy sa pag kain.

Nakipag usap naman ako kila Remy habang kumakain si Richard.

"Mahal?" Tawag pansin ni Richard sa akin.

"Oh?"

"Pupunta lang ako sa CR ha?" Paalam niya.

"Oh sige."

Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon