enjoy reading :')
***********
NAGULAT ako sa nakita ko sa loob nang opisina ni Richard. Hindi agad ako nakakilos sa kinatatayuan ko.
Mabilis na tumayo si Richard sa swivel chair. "Mahal ko." Humawak siya sa kamay ko.
Nakita ko naman na tumayo nang diretso si Gretchen na nakasandal sa swivel chair ni Richard at nakahawak sa balikat.
"Anung ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanya.
"Wala kaming ginagawang masama Dawn." Paliwanag ni Richard.
Kitang-kita sa mukha niya na takot siya sa magiging reaksyon ko.
"Wala kaming ginagawang masama nag kataon lang na nang pumasok ka may tinitingnan kami sa laptop ni Richard kaya nasa likod niya ako." Singit ni Gretchen.
Tumingin ako kay Richard. "Anu ba ang tinitingnan niyo sa laptop?" Tanong ko sa kanya at kitang-kita ko sa likuran ang pag ngisi ni Gretchen.
"Yung mga proposal para sa bagong company mahal. Galit kaba?"
Umiling ako. "Hindi naman ako galit nagulat lang ako nakahawak pa kasi siya sa braso mo." Hinimas ko pa ang pisnge niya.
Sinarado niya ang pinto ng office niya at humarap ulit sa akin. "Mabuti naman kung hindi ka galit." Hinalikan niya ako sa noo.
"Magpapaalam lang naman ako kaya ako nagpunta dito." Sabi ko sa kanya.
Tumingin si Richard kay Gretchen. "Gretchen ihahatid ko lang ang asawa ko i-check mo nalang yang mga papers habang wala ako." Bilin ni Richard at humarap ulit sa akin. "Hatid na kita sa parking lot mahal."
"Okay." Nakahawak siya sa bewang ko habang nag lalakad kami papuntang elevator. "Mahal umuwi ka agad pag katapos ng trabaho ha?" Bilin ko sa kanya pag pasok namin sa elevator.
"Opo boss." Hinalikan niya ang labi ko. "I love you."
"I love you too." Mabilis kung kinuha ang kamay niya at inilagay sa tiyan ko.
"Gumagalaw si baby." tuwang-tuwang sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya. "Ba-bye daw sabi ni baby."
Pinagbuksan niya ako nang pinto. "Uuwi ako agad mahal." Kinintalan niya ulit nang halik yung labi ko. "Manong mag ingat sa pag drive." Bilin niya sa driver bago isara ang pinto.
*********
NAPATINGIN ako sa sala na may maraming regalo para sa baby namin ni Richard.
Nag pa-baby shower kasi kami bago ako manganak next month. Nakauwi na ang ibang bisita namin.
"Hija kamusta ka naman?" Tanong ni Mama sa akin.
Inalalayan naman ako ni Richard na makaupo. "Okay naman po ako Mama hindi rin naman po ako hirap." Nakangiting sabi ko.
"Hindi pa pinapanganak ang anak niya marami na kaagad na regalo." Nakangiting sabi ni Mommy.
"Marami po kasi kaming kakilala at kaibigan." Nakangiting sagot ni Richard.
"Nakita ko na ang nursery ang ganda." Si Eunice.
"Lalaki ang magiging unang apo natin, ang galing mo Richard." Si Papa.
"May tagapag mana na agad si Richard." Si Daddy.
"Anu ba ang pangalan nang magiging anak niya Dawn?" Tanong ni Mommy
"Liam po, Liam La Buenaventura." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)
Fanfiction"You don't have a choice, whether you like or not you will be my WIFE. Don't worry i can satisfy your needs, remember when we made love? you always scream my name in want's" -Richard La Beunaventura