Chapter 22

4.7K 115 14
                                    


Enjoy reading :')

********

Dawn's POV

DALI-DALI ulit akong nag suot nang panloob at mabilis na pinuntahan si Richard na natutulog sa kama.

"Richard." Sigaw ko kay Richard para magising at niyuyugyug ko siya.

Mabilis naman siyang dumilat. "Bakit mahal?" Pupunga-pungas na sabi niya.

"Mahal may dugo." Nauutal na sabi ko sa kanya.

"Ha? Saan?" napaupo siya sa kama at tila nawala ang antok.

"May dugo akong nakita sa suot kung panty Richard." Nag simula na akong maiyak.

Mabilis siyang tumayo. "Sandali dadalin na kita sa ospital." May kinuha siyang bathrobe at binalot sa akin bago ako binuhat papunta sa kotse niya.

"Richard masakit na talaga ang puson ko." Umiiyak na sabi ko sa kanya.

Pinaandar niya naman ang sasakyan. "Relax lang mahal ko papunta na tayo sa ospital." Hinawakan niya ang isang kamay ko.

Kumapit naman ako nang mahigpit sa kamay niya at pumikit habang nakahawak sa naka umbok kung tiyan.

Naramdaman ko na huminto ang kotse at binitawan niya ang kamay ko hangang sa may bumuhat sa akin.

May naririnig pa akong sigaw ni Richard pero hindi ko na maintidihan hangang sa naihiga ako sa isang higaan.

********

Richard's POV

TINAWAGAN ko agad ang parents ko at parents ni Dawn habang nag aantay ako sa labas nang emergency room.

"Anak anung nangyari?" Agad na tanong ni Mommy pag kadating nila kasama ang parents ni Dawn kasama ang mga kapatid namin.

"Mommy hindi ko alam ginising nalang ako ni Dawn tapos may dugo na rin akong nakita sa kama pati sa suot niya." Nakakanda-utal na sagot ko.

Kinakausap pa nila ako pero wala na akong matinong maisagot sa kanila dahil akupado nang mag ina ko ang isip ko.

Maya-maya lang may lumabas na doctor napatayo agad ako. "Doc anu hong balita sa mag ina ko?" Agad na tanong ko.

Tinapik niya ako sa balikat. "Ligtas na ang mag ina mo, nag karoon siya nang threaten miscarriage mabuti nalang at naagapan."

"Salamat Doc."

"Maya-maya lang ililipat na namin siya sa private room pwede mo na siyang makita."

"Salamat."

"Oh sige." Paalam nang doctor at saka umalis na.

Napatingin naman ako sa mga magulang namin at kitang-kita sa mga mukha nila na masaya sila sa nalaman na walang nangyari sa anak namin.

*********

NAKAUPO ako sa tabi ni Dawn habang hawak ang mga kamay niya na inaantay siyang magising.

Nakita kung dumilat siya. "Mahal mabuti naman gising kana." Tuwang-tuwang sabi ko at hinalikan siya sa noo.

Nakita kung hinawakan niya ang tiyan niya at nagliwanag ang mukha niya. "Yung baby natin."

"Ligtas kayong dalawa nang baby natin. Hindi kana pwede mag trabaho dahil iyon din ang suggestion nang doctor."

Tumango siya. "Oo sige teka ilang oras na akong nakatulog?"

"Simula kagabi, umuwi na nga ang mga magulang natin. Nagugutom kaba?"

Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon