Chapter 10

5.3K 147 10
                                    


----

Dawn's POV

KANINA pa ako nag iintay sa pag dating ni Richard. Hating gabi na rin kasi pero wala pa siya.

Napasubra ang mga sinabi ko sa kanya kanina at gusto ko sanang mag sorry kaya inaantay ko.

Nag aalala din naman ako sa kanya. Mabait sa akin si Richard kahit na masungit siya sa akin alam kung mahalaga ako sa kanya. Nararamdaman ko yun.

"Mahal?"

Lumingon ako para makita si Richard. "Bakit?" Masungit na tanong ko.

Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Mahal ko patawarin mo ako sa nagawa kung kasalanan hindi ko naman sinasadya na saktan ka."

"Hindi mo sinasadya na makipag landian sa ibang babae?"

"Mahal ko nakipag usap lang naman ako sa kanya. Wala naman kaming ginagawang masama."

Tinalikuran ko siya. Agad ko naman naramdaman ang yakap niya. "Mahal ko sorry alam kung nag seselos ka." Iniharap niya ako sa kanya. "Wala kang dapat na ikaselos dahil ikaw lang ang babaeng mahal ko, mamahalin at pinakamamahal ko."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Oo na hindi na ako nag seselos, pero sana naman lumayo ka sa ibang babae."

"Masyado kasing gwapo ang boyfriend mo kaya lapitin nang chicks." Kumindat pa siya sa akin. "Pero ikaw lang ang mahal ko Dawn kahit sinong babae pa ang lumapit hindi ko sila papansinin."

Ngumiti ako. "Naniniwala na ako."

Kinintalan niya nang halik ang labi ko. "I love you."

Napangiti ako nang maalala ko ang bagay na yun. Noong mag karelasyon pa kami ni Richard ako ang madalas na mag selos sa daming babae na may gusto sa kanya.

"I love you baby." Narinig ko ang lasing na boses ni Richard pati na rin ang pag bukas nang pinto.

Agad akong lumapit sa kanya at inalalayan siya. "Richard umayos ka."

Tumigil naman siya sa pag kanta at nagpahila sa akin papunta sa kwarto.

Hirap na hirap na ibinagsak ko siya sa kama. "Ang bigat mo." Reklamo ko.

Hinubad ko ang suot niyang sapatos sumampa ako sa kama at tumingin ako sa kanya.

Nakapikit na siya. Malamang nakatulog na. Inayos ko ang pag kakahiga niya.

"Huwag." Pigil niya sa kamay ko nang tinitangal ko na ang butones nang damit niya. "May papakasalanan na ako at ayokong gumawa nang kasalanan sa kanya." Sabi niya sa lasing na boses nakapikit pa rin siya.

Hindi ko napigilan na mapangiti sa sinabi niya. Hindi ko na siya pinalitan nang damit dahil ayaw niya.

Pinunasan ko nalang ang mukha niya nang basang bimpo. "Alam mo ang gwapo mo pa rin." Nakangiting bulong ko.

Pagkatapos ko siyang punasan nilagyan ko na siya nang kumot at tumabi na ako sa kanya sa pag tulog.

----

"Good morning Boss." Nakangiti kung bati kay Richard. "Breakfast na tayo."

Hindi naman siya nag salita at naupo lang saka nag simulang kumain.

"Hindi ba masakit ang ulo mo?" Tanong ko habang kumakain kami.

"Hindi."

"Okay."

Pagkatapos namin kumain nagpunta na kami sa office. Pagdating namin bumaba siya agad.

Pagbaba ko nang sasakyan ang layo na agad nang nalakad niya. May sumpong na naman ang isang iyon.

Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon