Chapter 27

4.4K 108 26
                                    


Enjoy reading Marrich_11 thank you for being my reader :')

*******

Dawn's POV

NAPADILAT ako sa naramdaman kung pag yugyog sa akin. "Mahal?" Bulalas ko at mabilis na niyakap si Richard.

"Mahal bakit?" Pinaharap niya ako sa kanya. "Kadarating ko lang galing office nang marinig ko ang baby natin na umiiyak tapos napansin kitang pawis na pawis."

"Mahal masamang panaginip." Humawak ako sa balikat niya.

"Walang mangyayaring masama okay?" hinawakan niya ang nanginginig kung kamay. "Don't worry." dinampian niya nang halik ang noo ko.

Yumakap naman ako sa kanya nang mahigpit nang marinig namin ang iyak ni Liam.

Kumalas nang yakap si Richard at agad na pinuntahan si Liam saka binuhat at nag punta sila sa akin.

Ngumiti ako. "Nagugutom na siguro ang anak natin Mahal." Sabi ko.

"Oh? Ikaw na muna ang mag buhat at ako na ang gagawa nang gatas ni Baby." Nakangiting sabi ni Richard at pinasa sa akin si Liam.

Pagbalik ni Richard dala niya na ang bote nang gatas ni Liam at iniabot sa akin.

Mabilis ko naman naman na pinadede si Liam. "Naku, gutom na gutom ang baby ko ang tagal kasi natulog ni Mommy."

Tumabi si Richard sa akin. "Anung balak mo bukas?" Tanong niya.

"Hindi ko alam, may balak kaba bukas?"

"Wala din, gusto mo mag mall tayo?"

"Oh sige, ipasyal natin ang anak mo." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Hinalikan naman ako ni Richard sa pisnge. "Ang bango nang asawa ko." Bulong niya sa may tenga ko.

"Naku ang landi." Natatawang sabi ko.

********

NAPANGITI ako nang makita ko ang magandang boquet ng tulips sa sidetable pag gising ko.

Naupo ako at kinuha ang bulaklak saka inamoy. Bumaba ako para hanapin si Richard at nakita ko siya sa sala.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya saka ko siya niyakap mula sa likuran.

Naramdaman ko naman na nagulat siya. "Good morning Mahal." Bati niya sa akin saka niya pinatay ang kalan saka humarap sa akin.

Humalik ako sa pisnge nya. "Good morning, salamat sa bulaklak." Nakangiting sabi ko.

"Welcome Mahal ko, hindi na kita ginising dahil alam kung napauyat ka kagabi."

Tumango ako. "Nasaan nga pala ang anak natin?" Hanap ko sa anak namin.

"Naku nakatulog ulit, maaga akong ginising nang anak natin tapos tinulugan ako ulit."

"Ganun ba? Nagugutom na ako Mahal pwede naba tayo kumain?" Aya ko sa kanya.

Mabilis naman siyang tumango. "Sige, maupo kana at ipag hahain kita."

Mabilis niya naman akong naipaghain saka kami nag simulang kumain. "Mahal pwede natin puntahan ang puntod nang panganay natin?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, tagal rin nating hindi nakapasyal eh." Sagot niya.

********

NAUPO ako sa damuhan sa may puntod nang panganay namin ni Richard. Pinasa sa akin ni Richard sa Liam na pinaupo ko naman sa kandungan ko.

Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon