Enjoy reading Amenjoy Tabasa Dela Cruz thank you for supporting my story and giving your time just to read marrying my ex-girlfriend. Hope to see you soon.Everyone who wants a dedication just let me know. Kindly read my other story Stay With Me. Thank you.
*********
Dawn's POV
"MAHAL?" untag niya sa akin.
Napakurap naman ako. "Okay lang naman sa akin pero sa-saglit kalang doon ha?"
Tumango naman si Richard. "Oo, ayoko naman kasi mag tagal mas gusto ko pa dito kasama ka at ang anak natin." Sabay yakap niya sa akin.
"Naku, ang sweet. Basta kung iinom kayo kunti lang ha? Mag da-drive kapa pauwi." Bilin ko.
Tumango naman siya. "Okay lang ba kayo dito mag hapon Mahal?" Tanong niya.
"Oo, hindi naman nag pasaway ang anak mo kaya wala naman naging problema." Nakangiting sabi ko kay Richard.
"Mabuti naman kung ganun."
"Mabihis kana muna Mahal para makapag dinner na tayo."
Sumunod naman siya akin. Binuhat ko si Liam at nag punta na sa kusina para alamin kung luto na ang ulam.
********
NAGULAT ako nang may tumapik sa balikat ko. "Ate Dawn surprise." Sigaw ni Eunice at yumakap sa akin saka niya hinalikan si Liam.
"Napadalaw ka, hindi ka man lang nag sabi na pupunta ka." Nakangiting sabi ko kay Eunice.
Naupo siya sa tabi ko. "Ate surprise nga, saka aayain sana kita na mag mall. Nag paalam na ako kay kuya pumayag siya." Tuloy-tuloy na sabi niya sa akin.
"Sige mamasyal tayo, iiwan ko muna sayo si Liam magbibihis lang ako." Paalam ko.
"Bihisan ko na din si Liam ate."
Tumango ako. "Oh sige pero linisan mo muna ha? Marunong ka naman diba?" Tanong ko habang nag lalakad kami at buhat niya si Liam.
"Oo naman ate."
"Ikaw nga pala ang babysitter nang pamangkin mo." Biro ko sa kanya.
Tumawa naman siya. "Kasi naman siya lang ang pamangkin ko. Ayaw pa mag anak ni kuya Carl puro landi ang alam."
"Hay naku may aasahan kapa doon, sige na maliligo muna ako. Doon na kayo sa nursery."
"Sige." Sabi ni Eunice at nag punta na siya sa nursery room.
********
NATAWA ako sa mga kinuwento sa akin ni Eunice tungkol sa mga kapatid niya. "Eunice si Carl ba nasaan ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam ate nililibot niya ang buong pilipinas habang summer." Sagot niya habang kumakain.
"Ganun, sarap buhay ah." Tumango si Eunice. "Ikaw Eunice may boyfriend kana?" Tanong ko sa kanya.
Bigla naman siyang namula sa sinabi ko saka kiming ngumiti sa akin.
Sinundot ko siya sa tagiliran. "Ang landi, sabihin muna kung merun ba? Sino?"
"Merun na ate si Tyrone gusto mo siya makilala?"
"Oo naman, pwede mo ba siyang ipakilala ngayon?" Excited na tanong ko sa kanya.
"Pwede rin ate. Mag si-CR muna ako ate tatawagan ko na din si Tyrone." Paalam niya.
Inayos ko naman ang sarili ko at pinunasan ang kamay ni Liam saka ko kinuha para kandungin.
BINABASA MO ANG
Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)
Fanfiction"You don't have a choice, whether you like or not you will be my WIFE. Don't worry i can satisfy your needs, remember when we made love? you always scream my name in want's" -Richard La Beunaventura