Enjoy reading :')**********
Dawn's POV
NARAMDAMAN kung may humablot sa akin at ang susunod kung naramdaman at bumagsak ako.
Bumagsak ako sa katawan nang humablot sa akin. Napatingala ako at nakita kung si Richard ang humablot sa akin.
Mabilis akong tumayo sa pag kakadagan ni Richard. Bahagya pa akong nahilo saka mabilis na sumakay sa kotse.
"Dawn!" Habol ni Richard at pinupokpok ang salamin nang kotse. "Dawn!"
Ini-start ko na ang kotse at hindi ko siya pinakingan saka nag mamadaling pina-andar ko ang sasakyan.
"Dawn!" Sigaw niya at humabol pa sa akin pero mas binilisan ko lang ang pagpapatakbo nang sasakyan.
Pagdating ko sa bahay pabalibag kung sinara ang pinto nang kotse ko. Mabilis akong umakyat sa kwarto ni Liam.
Kumuha ako nang pangbalot kay Liam saka ko siya binalot. Nagising ang anak ko at umiyak. Dahan-dahan ko naman siyang binuhat.
"Ate anung nangyayari saan kayo pupunta ni Liam?" Sigaw ni Eunice habang hinahabol kami ni Eunice.
Inayos ko si Liam sa upuan niya kotse ko pinahiga ko pa upuan niya at pinindot para kusang mag hele.
Sasakay na sana ako nang hilahin ni Eunice ang braso ko. "Ate anung nangyayari saan kayo pupunta?" Tanong ni Eunice.
"Eunice paalisin muna ako. Please." Pakiusap ko sa kanya.
Binitawan niya naman ang kamay ko at tumango pero nagulat ako nang sumakay din siya sa kotse. "Sasama ako sa inyu."
Sumakay na rin ako nang sasakyan at pinatakbo na papunta sa bahay ni Mommy at Daddy.
*********
NAGISING ang parents ko nang dumating kami ni Liam at Eunice sa bahay nang madaling araw.
"Anak anung oras na bakit biniyahe mo pa si Liampapunta dito?" Si Mommy.
"Mommy pwede po ba na matulog na muna ako bukas na natin pag usapan?" Pagod na sabi ko.
Tumango naman si Mommy at Daddy naglakad na ako papunta sa kwarto ko dito sa mansyon.
Hiniga ko si Liam sa kwarto ko. Naupo din ako sa kama habang pinag mamasdan ang anak kung nakatulog na ulit.
"Liam bakit palagi nalang akong sinasaktan nang Daddy mo? Hindi ba siya napapagod na saktan ako? Napaka sinungaling nang Daddy mo Liam sinabi pa niya na mahal niya ako pero ganito ang nangyari." Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko.
Nahiga ako sa tabi ni Liam at niyakap ko siya habang patuloy na umiiyak. Hinalikan ko ang noo ko.
**********
NAGISING ako sa pagtapik ni Mommy sa balikat ko. "Anak nandito si Richard sinusundo kayong dalawa ni Liam."
Napa-upo ako sa sinabi ni Mommy. "Wala ba siyang sinabi na iba?" Tanong ko.
"Wala ang sabi niya susunduin niya kayong mag-ina. Nagulat pa nga kami nang napaka aga niya dumating eh."
"Mommy ikaw na muna ang bahala kay Liam pupuntahan ko lang si Richard."
Hindi ko na hinintay na mag salita si Mommy at naglakad na ako pababa sa hagdan.
"Mahal." Sigaw ni Richard at mabilis na lumapit sa akin saka niya ako niyakap.
Mabilis akong pumiglas at malakas ko siyang tinulak. Kitang-kita ko ang pag kagulat sa mukha ni Daddy at ni Eunice.
"Dawn mag papaliwanag ako."
BINABASA MO ANG
Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)
Fanfiction"You don't have a choice, whether you like or not you will be my WIFE. Don't worry i can satisfy your needs, remember when we made love? you always scream my name in want's" -Richard La Beunaventura