Chapter 20

6K 144 12
                                    


Enjoy reading :')
Oh! Sorry for my typo's thanks for understanding :')

************

Dawn's POV

INALALAYAN akong bumaba ni Richard sa kotse. "Richard ilang oras ba ang biyahe natin?" Tanong ko sa kanya.

Inalalayan niya ako paakyat sa private plane na mag hahatid sa amin sa batanes. "One hour and fourty-five minutes lang mahal." Sagot niya at inupo ako sa isang seat sa loob nang plane.

"Saan tayo mag i-stay doon?" Tanong ko sa kanya.

Naupo naman sa tabi ko si Richard. "May nakareserved na sa atin na bahay doon kaya wag kana maalala na ayos ko na lahat okay?"

Tumango ako. "Okay pero mahal may pizza ba dito sa plane?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya. "Lahat ng pagkain na pinag lilihian mo pinabili ko na para merun tayo dito. Sandali kukuha ako." Paalam niya.

Pagbalik niya may dala na siyang isang box nang pizza at inilapag niya sa table na nasa harapan namin. "Kain na mahal."

"Salamat." Nag simula na akong kumain.

Binuksan naman ni Richard ang TV para makanuod kaming dalawa.

"Mahal anung balak mo sa batanes?" Tanong ko habang nanunuod at kumakain kami.

"Mamasyal tayo at mag si-swimming sa beach." Nakangiti niyang sabi.

"Buti nalang nakapag dala ako ng two piece."

Kumunot ang noo niya. "Two piece?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

Natawa naman ako. "Umaandar na naman ang pag ka-possesive mo papatungan ko naman ng see thru dress yun."

Ngumiti siya. "Mabuti naman kung ganun."

"Mahal saan ako pwede matulog?" Biglang tanong ko sa kanya.

"Sa kwarto, gusto mo ba mahiga?"

Tumango ako. Lumapit naman siya sa akin at binuhat ako saka dinala sa isang kwarto.

Inihiga niya ako sa isang puting malaking kama na may maraming unan.

"Mag pahinga ka muna." Hinalikan niya ako sa noo at lumabas na nang kwarto.

**********

NAGISING ako na nasa ibang kwarto na ako kaya napaupo ako at tumingin sa paligid nakita ko ang bag ko na nasa side table.

Mabilis kung kinuha ang bag ko at kinuha ang cellphone ko. Nakita kung 11am na pala.

Tinawagan ko si Richard. "Richard nasaan ka? Nasaan ako?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Mahal nandyan ka sa kwarto natin dito sa bahay na tinutuluyan natin sa batanes. Nandito lang ako sa kusina okay?"

"Okay, pupunta na ako dyan. Nagluto ka nang lunch natin?"

"Yes boss maya-maya luto na ito. May oras kapa para maligo at magbihis."

"Okay bye." Sabi ko at pinutol ko na ang tawag.

Nilapag ko ang cellphone ko sa sidetable at nag punta sa veranda nang kwarto.

Nakita ko ang magandang view nang beach napansin ko rin na itong beach house lang ang nag iisang nakatayo sa beach na ito.

Nag punta na ako sa CR para makapaligo pagkatapos ko maligo nag bihis na ako ng isang maternity dress.

Pagbaba ko nakita kung naghahain na si Richard. "Chard tulungan na kita." Sabi ko at lumapit sa kanya.

Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon