enjoy reading :')*********
Richard's POV
KANINA pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Tumayo ako at nalaglag ang mga papers na nasa lamesa ko.
"Okay kalang?" Agad na lumapit si Gretchen sa akin na kanina ay nakaupo sa sofa.
"Okay lang, kukuha lang ako nang tubig." Aalis na sana ako nang pigilan niya ako.
"Ako nalang." Sabi ni Gretchen at lumabas nang opisina.
Hinanap ko ang cellphone ko pero hindi ko makita bigla akong napatingin sa sofa nang may nakita akong umiilaw.
Mabilis kung nilapitan at nakita ko ang cellphone ko sa kinauupuan ni Gretchen.
Nakita kung tumatawag si Eunice. Nag taka pa ako dahil nakasilent ang cellphone ko.
"Kuya oh my gosh mabuti naman sumagot kana nandito ako sa ospital kuya manganganak na si ate Dawn pumunta kana dito kailangan ka niya."
Pagkarinig ko nang sinabi niya tumakbo na kaagad ako palabas nang opisina ko. "Richard saan ka pupunta?" Sigaw ni Gretchen.
Hindi ko na siya pinansin at agad na sumakay sa kotse ko saka pinaharurot papunta sa ospital.
"EUNICE?" sigaw ko pag kakita ko sa kapatid ko.
"Kuya inaantay kana ni ate mag palit kana nang labgown bilisan mo." Tinulak ako ni Eunice papasok sa isang kwarto.
Mabilis kung sinuot ang mga nakita kung nandoon saka nag mamadaling pumasok sa operating room.
"Richard?" Gulat na sabi nang doctor. "Bilis kailangan ka nang asawa mo."
Mabilis akong lumapit kay Dawn na namumutla na agad kung hinawakan ang kamay niya. "Mahal nandito na ako."
Dumilat siya at tumingin sa akin. "Richard." Mahinang sabi niya.
"Mahal nandito na ako. Relax okay?"
Ngumiti siya sa akin. "Okay inhale, exhale lang mahal ko pag sinabi namin ni doc na push umire ka."
Tumango naman si Dawn habang nag i-inhale, exhale.
"Okay Dawn push." Sigaw ni Doctora.
"Push mahal ko push."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko saka siya sumigaw.
"One more Dawn!"
"Isa pa mahal ko." Nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang noo ni Dawn na puro pawis.
Biglang bumitiw si Dawn sa kamay ko. Nagulat nalang ako nang humawak siya sa buhok ko saka sumigaw nang pagkalakas lakas.
"Baby boy!" Sabi nang doctora kasabay nang pag iyak nang baby namin.
Napabitiw naman si Dawn sa ulo ko habang nakatingin naman ako sa anak ko na nililinis.
Napatingin ako kay Dawn. "Mahal ang gwapo nang anak natin manang-mana sayo." Hinalikan ko siya sa noo.
Nakita ko naman na ngumiti siya. "Mana sa akin maputi."
"Richard?" Tawag nang doctor. "Mabuti nalang dumating ka, mukhang hindi ilalabas ni Dawn ang anak mo nang wala ka." Biro nang doctora at nilapat na sa akin ang baby natin.
"Thanks doc."
Ngumiti naman ang doctora at lumabas na sila sa kwarto.
Humarap ako kay Dawn. "Mahal tignan mo ang baby natin." Nakangiting sabi ko.
BINABASA MO ANG
Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)
Fanfiction"You don't have a choice, whether you like or not you will be my WIFE. Don't worry i can satisfy your needs, remember when we made love? you always scream my name in want's" -Richard La Beunaventura