Enjoy reading :')Hi @christifinity_8 thank you for reading :') enjoy :')
*********
Dawn's POV
NANLALAKI pa rin ang mga mata ko nang makita ko si Richard sa pintuan ko.
"Dawn?"
Maydala siyang bulaklak at diretsong nakatingin sa akin. Tinitigan ko naman siya.
Maya-maya lang natauhan na ako at mabilis kung sinara ang pinto at sumandal.
"Dawn i'm sorry kausapin mo naman ako." Narinig kung sabi niya.
Hindi ko siya pinansin at bumalik sa sala para manuod ulit nang TV.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Alice. "Hello sis?" Sagot niya.
"Alice nandito si Richard nasa labas siya nang condo ko." Tarantang sabi ko.
"Kalma lang sis hayaan mo siya wag mo papasukin. Aalis din yan."
Huminga naman ako nang malalim. "Hahayaan ko nalang siya sa labas?" Tanong ko.
"Oo, bakit gusto mo ba siyang papasukin?" Tanong niya sa akin.
"Hindi!" Mabilis na sagot ko. "Ayoko siyang makausap."
"Ganun naman pala eh, pabayaan mo siya sa labas aalis din yan. Nandyan paba?"
"Sandali." Naglakad ako papunta sa pinto. "Nandito pa siya nakasandal sa may pintuan." bumalik na ako sa upuan ko.
"Hayaan mo nalang siya. Mabuti pa matulog kana sis."
"Oh sige bye."
"Good night sis."
"Good night." Binaba ko na ang cellphone ko. Nagligpit muna ako sa sala bago ako nag punta sa kwarto ko para matulog.
******
NAGISING ako sa pag ring nang telephone ko. "Hello?" Inaantok na sagot ko.
"Ma'am Dawn may lalaki po na kanina pa nakaupo sa labas nang pinto nang condo unit niyo. Gusto niyo po ba paalisin namin?"
Nagising yata ako sa sinabi niya. Nasa labas pa rin si Richard. "Hindi, pabayaan niyo lang siya."
"Sigurado po kayo ma'am?"
"Oo, wala naman siyang ginagawang masama kaya pabayaan niyo nalang siya." Mataray na sabi ko at saka binaba ang telephone.
Tumayo ako para lumabas nang kwarto ko at agad na pumunta sa may pinto para tingnan kung nandun pa si Richard.
Nakita kung nakaupo pa nga si Richard sa gilid nang pinto ko. Kitang-kita ko siya dahil sa camera na naka attach sa may pintuan ko.
Napabuntong hininga nalang ako saka ako pumunta sa kitchen para mag timpla ng gatas.
Naawa ako kay Richard pero galit pa rin ako sa sinabi niya sa akin kaya hahayaan ko lang siya.
Maya-maya lang natulog na ako pero sinilip ko muna kung nasa labas pa siya pero nasa labas pa din siya nang pintuan ko.
******
NAGISING ako nang marinig ko ang alarm clock ko. Mabilis kung pinatay ang alarm clock.
Umupo muna ako sa kama dahil nahihilo ako. Humawak ako sa tiyan ko. "Baby mukhang kumukulit kana, araw-araw mo na lang hinihilo si mommy pag bagong gising."
BINABASA MO ANG
Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)
Fanfiction"You don't have a choice, whether you like or not you will be my WIFE. Don't worry i can satisfy your needs, remember when we made love? you always scream my name in want's" -Richard La Beunaventura