Chapter 9

5.1K 152 14
                                    


Dawn's POV

"Dawn?" Napangiti ako nang makita ko si Richard na papalapit sa akin.

"Kanina pa kita hinahanap." Lumapit ako sa kanya. Dinala niya ako dito sa tagaytay. "Anu ba ang gagawin natin dito?"

"May ibibigay ako sayo." Inilabas niya ang isang boquet of pink roses. "Para sa magandang fiancee ko."

Hindi ko mapigilan na hindi kiligin. "Salamat."

  Mag i-isang buwan na rin kaming mag kasama sa iisang bahay. Nag aaway kami paminsan-minsan sa malii na bagay pero nagkakabati rin naman.

Wala kaming pasok sa opisina ngayon kaya siguro naisipan ni Richard na gumala kami.

Naramdaman ko ang yakap ni Richard sa akin mula sa likuran. "Mahal ko?"

Napalingon ako sa kanya sa tinawag niya sa akin. "Anung sabi mo?"

"Mahal ko, ayun naman ang tawagan natin dati diba?" Ngumiti siya sa akin.

"Okay, bakit tayo nag punta dito?"

Hindi ko rin siya maintidihan dahil napakasweet niya sa akin minsan naman masungit pa rin.

"Gusto lang kita masolo." Naramdaman ko ang pag siksik niya sa leeg ko.

Ngumiti lang ako at nanatili kami sa ganoong posisyon.

----

"Dawn?" Tawag sa akin ni Ma'am Yvette. "Pumunta ka sa office ko."

"Sige po ma'am." Tumayo ako at sumunod sa kanya.

Pagpasok ko sa loob nang office ni Yvette nakita ko siyang naka upo na sa swivel chair niya. "Ma'am bakit po?"

"Paki summarized naman ang mga papers na yan. Kailangan matapos mo yan ngayong araw dahil kailangan ko na iyan bukas." Sabay turo sa makapal na papers sa taas nang table niya.

Muntik na akong mag reklamo. "Okay po ma'am." Kukunin ko na sana nang mag salita siya.

"Ikaw lang ang gagawa niyan, huwag kang mag papatulong sa mga katrabaho mo." Madiin na utos niya.

"Opo." Sagot ko kahit na inis na inis na ako.

Kinuha ko na ang papers at lumabas na sa office niya. Inis na binagsak ko sa table ko ang makapal na papel.

"Ay bakla nadulas!!!" Gulat na sigaw ni Remy. "Anu ka ba naman Dawn walang gulatan."

"Anu ba yang dala mo?" Tanong ni Eve.

Naupo ako sa upuan ko. "Trabaho, pinapa-summarized ni Yvette sa akin yan lahat."

"Jusko ang dami niyan tulungan kana namin." Alok ni Remy

"Sabi ni Yvette wag daw akong mag papatulong sa inyu at kailangan matapos ko yan ngayong araw."

"Mukhang pinag iinitan ka ni Yvette Dawn." Nakataas ang kilay na sabi ni Eve.

"Ewan ko punyeta siya." Inis na ginulo ko ang mga papers. "Punyeta talaga mag uumpisa na nga ako."

"Relax Dawn." Tinapik pa ni Eve ang likuran ko.

"Kahit galit ka maganda kapa rin. Relax lang." Nakangiting sabi ni Remy sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanila at nag simula na sa pagbabasa para matapos ako.

"Dawn?"

Napapitlag ako sa tapik ni Remy. "Bakit?"

"Lunch time na kain na tayo."

Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon