Chapter 17

4.7K 133 9
                                    


Enjoy reading :')

**************

Dawn's POV

TININGNAN ko ang mga pictures. Pictures namin dalawa ni Atticus habang nag di-dinner kami at hangang sa ihatid niya ako.

May pictures na nakasandal ako sa kanya, magkayakap kaming dalawa ni Atticus pati na din yung paghalik niya sa akin pero sa picture parang naghalikan kami sa labi.

"Pakipaliwanag kung anu yang mga pictures na yan." Gigil na sabi niya at tinitigan ako.

"Kanina lang ito, panu ka nag karoon nito?"

"Huwag mo akong tanungin kung panu ko nakuha ang mga iyan. Sino ang lalaking yan?" Sigaw niya sa akin.

"Si Atticus kaibigan ko yan, siya yung nakilala ko sa bar." Sagot ko sa kanya.

"Bakit mag kayakap kayo?"

"Normal lang naman na magyakapan ang magkaibigan."

"Eh ang paghahalikan normal paba yan?" Galit na sigaw niya at hinagis ang hawak niyang baso.

Narindi ako sa pagkakabasag nang baso kaya nangilid ang luha ko. "Hindi kami nag hahalikan." Mahinang sabi ko.

"Hindi? Talaga? Eh anu yang picture na yan ha?" Sunod-sunod na tanong niya at tumayo saka tumalikod sa akin.

"Hinalikan niya ako sa pisnge, sa pisnge lang hindi ko alam kung paano nangyari sa punyetang picture na yan kung paano nangyari sa picture na yan." Umiiyak na sabi ko.

"Damn Dawn sabihin mo sa akin ha?" Humarap siya sa akin at kitang-kita ko ang galit niya. "Kaninong bata yang nasa sinapupunan mo?"

Nagulat ako sa tanong niya at malakas ko siyang nasampal. "Anu? Kanino itong batang pinag bu-buntis ko? Nagdududa ka. Naging pakawala man ako nang nag hiwalay tayo Richard pero kahit kailan walang ibang lalaki ang umangkin sa katawan ko." Pinunasan ko ang luha ko saka tumayo at naglakad papunta pintuan.

"Dawn?" Sigaw niya pero sa malumanay na boses at hindi na galit.

Lumingon ako sa kanya. "Nakalimutan kung sabihin. Anak ko ang batang nasa sinapupunan ko anak ko lang Richard dahil ayokong mag karoon nang ama ang anak ko kung katulad mo lang din naman na masamang tao at mapanghusga." Mabilis akong lumabas nang bahay at sumakay sa kotse ko na nasa garahe nang bahay niya.

Pagdating ko sa condo unit ko mabilis akong pumasok sa kwarto ko at nanghihinang napaupo sa kama.

Naibagsak ko nalang ang bag ko sa gilid nang kama habang nanginginig na patuloy na umiiyak.

*******

NAGISING ako sa sinag nang araw. Naalala kung umuwi na pala ako sa condo unit ko.

Paglabas ko nang kwarto kahit na nakakaramdam ako ng pagkahilo gumawa ako nang breakfast para sa sarili ko.

Hindi ko hahayaang maapektuhan nang galit ko kay Richard ang pinag bu-buntis ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag kay Alice. "Alice pwede kaba pumunta sa condo ko."

"Teka ate umiyak kaba? Relax kalang okay? Papunta na ako dyan. Ten minutes." Pag kasabi niya noon nawala na siya sa kabilang linya.

Binaba ko ang cellphone ko at nag patuloy sa pagkain nang breakfast. Mabuti nalang kahit wala ako sa condo marami pa rin akong stock na pagkain.

Pagkatapos kung kumain tinambak ko sa sink ang hugasan na pingan.

Binuksan ko ang isang cabinet at kumuha nang dalawang malaking pringles at dinala sa sala. Gumawa na rin ako nang juice at nilagay lahat sa center table nang sala.

Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon