Enjoy reading :')*********
Dawn's POV
NAIKUYOM ko ang mga kamay ko nang marinig ko ang paliwanag ni Richard gusto kung saktan si Gretchen sa ginawa niya.
Namuo ang luha ko sa mata nang dahil sa subrang galit. Nawalan ako nang tiwala sa asawa ko pero wala naman pala siyang kasalanan. "Nasaan si Gretchen?" Tanong ko sa kanya.
"Wala na siya, hindi ko alam kung nasaan siya." Sagot ni Richard at lumapit sa akin. "Sorry Mahal sana mapatawad mo ako."
"Wala kang kasalanan Richard dahil si Gretchen ang may kasalan nang lahat nang ito."
Pinunasan ni Richard ang mga luhang tumulo sa pisnge ko at hinalikan ako sa noo. "May kasalanan din ako Mahal dahil pumayag ako na pumunta sa bahay ni Gretchen."
"Si Gretchen lang ang may kasalanan nang lahat nang ito Richard."
"Huwag na natin pag usapan ang tungkol sa kanya ang mabuti maayos na tayo ngayon."
Pinunasan ko ang luha ko. "Sinabi ko ba na ayos na tayo?"
Bigla siyang nataranta. "Mahal sabi mo wala akong kasalanan kaya dapat maayos na tayo." Halos mag maka-awa ang mukha niya habang nag sasalita.
Napatawa ako sa reaksyon niya. "Binibiro lang kita, wala kang kasalanan at maayos na tayo. May sasabihin pa ako sayo na mag papasaya sayo nang subra."
"Pinagtawanan mo pa ako. Anu naman ang sasabihin mo na magpapasaya sa akin?"
"Buntis ako."
Natulala si Richard at bigla nalang akong niyakap. "Mahal mag ka-karoon na naman tayo nang anak. Pinasaya mo talaga ako nang subra. I love you." Dinampian niya nang halik ang labi ko.
Napangiti ako. "I love you too."
***********
NARAMDAMAN ko ang pagyakap ni Richard sa akin mula sa likuran. "Ang laki na agad nang baby bump nang asawa ko. Okay kalang ba?"
"Oo naman, nasaan naba ang anak natin?" Tanong ko sa kanya at humarap.
"Nandun na sa sala kasama si Eunice."
"Aalis na ba tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, excited na akong malaman kung anu ang gender nang baby natin." Nakangiting sagot ni Richard.
Pagkababa namin nakita ko ang anak ko na nakaupo sa carpet nang sala habang nilalaro ni Eunice.
"Eunice ikaw na muna bahala kay Liam aalis lang kami." Sabi ko pag kalapit ko sa kanila humalik ako sa ulo nang anak ko na busy pa rin sa pag lalaro.
"Walang problema ate Dawn behave naman si Liam text mo agad sa akin kung anung gender ni baby ha?" Pabulong nalang ang huli niyang sinabi.
Tumango naman ako sa kanya. "Oh sige."
"Eunice aalis na kami nang ate mo. Ingatan mo ang pamangkin mo." Bilin ni Richard sa kapatid.
"Oo naman kuya sige na alis na kayo ni ate." Pagtataboy sa amin ni Eunice.
Humawak sa kamay ko si Richard at naglakad na kami palabas sa bahay para makapunta na sa OB ko.
********
NAKAHIGA na ako habang inaantay ang doctora. "Excited na ako maging daddy ulit." Nakangiting sabi ni Richard.
Pumasok naman ang doctora. "Pasensya na late ako." Nakangiti niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)
Fanfiction"You don't have a choice, whether you like or not you will be my WIFE. Don't worry i can satisfy your needs, remember when we made love? you always scream my name in want's" -Richard La Beunaventura