Enjoy reading. Thank you.-----
Dawn's POV
TINITIGAN niya lang ako at ibinalik ulit ang tingin kay Gretchen na kasama niya.
Muntik ko nang ihagis ang hawak kung baso nang hindi man lang siya lumapit sa akin at pinag patuloy lang ang pakikipag landian kay Gretchen.
Inubos ko ang alak sa hawak kung baso at saka tumayo para pumunta sa counter.
Nginitian ko ang bartender. "Bloody mary." Mapang akit kung sabi.
"Yes ma'am." Mabilis niyang ginawa ang order ko at inabot sa akin. "Bloody mary for the beautiful girl."
Nginitian ko lang siya saka sumandal sa counter para tumingin sa mga nag pa-party.
"Hi."
Napatingin ako sa bumati sa akin. Agad akong napangiti nang makita ko siya. "Hello handsome." Nakangiti kung sabi sa kanya.
"Nag iisa ka gusto mo ba samahan kita? I'm Atticus." Pakilala niya.
"I'm Dawn." Inilahad ko sa kanya ang kamay ko. "Sige samahan mo akong uminom." Nakipag hand shake siya sa akin.
"Dun tayo sa table ko." Aya niya sa akin habang hawak ang isang kamay ko.
Nauna akong naupo at naupo naman siya sa tabi ko. "Bakit nag iisa ang magandang babae sa ganitong lugar?"
Ngumiti ako sa kanya. "Eh ikaw bakit nag iisa ang gwapong katulad mo sa ganitong lugar?"
Natawa siya sa sinabi ko. "Dahil gusto ko lang uminom tapos may nakita akong magandang babae na ngayon ay kausap ko na."
Natawa ako sa sinabi niya at sumandal sa balikat niya saka pasimpleng tumingin kay Richard na busy naman sa babae niya. "Thanks ha?"
"Para saan?" Tiningnan niya ang mukha ko.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Sa pag tawag sa akin na magandang babae." Sumimsim ako nang alak na iniinom ko.
"Totoo naman na maganda ka, alam mo na una palang kitang nakita kanina nag kagusto na ako sayo."
"Alam mo bolero ka rin noh?" Natatawang sabi ko at humarap sa kanya.
"Hindi kita binobola talagang nagustuhan na kita, alam mo kung bakit ako nandito?"
"Bakit?" Interesadong tanong ko.
Lumapit pa siya sa akin nang kaunti. "Dahil na-busted lang naman ako. Wala naman akong balak na maghanap nang babae kaya nandito ako gusto ko lang uminom."
"Hindi kaba nag bibiro? Na-busted ka talaga?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
Umiling siya. "Hindi ako nag bi-biro, natanong ko nga sa sarili ko kung bakit ako na-busted eh matino naman ako at may itsura."
Tumango-tango ako. "Gwapo ka naman talaga baka naman kasi maling tao lang ang minahal mo." Seryosong sabi ko.
"Siguro nga."
"Bakit mo nga pala ako nilapitan kanina? Diba sabi mo wala kang balak na mag hanap nang babae?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
Ngumiti siya. "Kanina pa kita tinitingnan napansin ko na wala kang kasama kaya nilapitan na kita gusto ko kasing may makakausap."
"Gagawin mo pa akong entertainer mo ha?" Natatawang sabi ko.
"Medyo, boring din kasi magisa eh." Napansin kung nakatingin sa akin si Richard kaya sumandal ako kay Atticus.
BINABASA MO ANG
Marrying My Ex-Girlfriend (CharDawn)
Fanfiction"You don't have a choice, whether you like or not you will be my WIFE. Don't worry i can satisfy your needs, remember when we made love? you always scream my name in want's" -Richard La Beunaventura