CHAPTER 10: Effin Fart.
"hayyyyyy" napabuntong hininga nalang ako.
"oh repapips.. Anong problema? Kanina ka pa bumubuntong hininga dyan!" sabi ni akihiro.
"aba aba Akhi! San mo natututunan yang repapips na yan? Immune ka na gumamit ng salitang kalye ah.!"
"hahaha.. Syempre. Pilipino kasi ako!" utot nya.. Pilipino daw sya..
"Hindi ka Pilipino.. Hapon ka -_-"
"Pilipino kaya ako. Taas noo. Pilipino ako!!!"
Eh?
"hoy akhi. Anong tinira mo at mukhang sabog ka pa?"
"hahaha. Sungit mo naman.. Oo na.. Hapon na po ako"
"haha.. Good!"
"teka muna Yui. Di mo pa sinasagot tanong ko sayo! Bakit ka ba buntong hininga ng buntong hininga jan?"
Ah.. Oo nga pala.. Hmpfff. Sasabihin ko ba o hindi kay akhi?
Wag na lang. Di naman nya alam yung tungkol sa blind date issue ko.. Ayokong ikwento sa kanya. Tinatamad ako..
Oo.. Kanina pa ako napapaisip tungkol dun kaya kanina pa din ako napapabuntong hininga..
Bakit sa dinami dami pa ng tao na kailangang maka blind date ko, Si DARREN pa?.. At nakakaloko pa kasi pinagtagpo pa ang landas namin.. Hay nako.. Wattalayf :/
Speaking of.. Sila sissie nga lang pala nakakaalam nung issue kong yun. Ang tanong, nasan ba sila ngayon? Wala tuloy akong mapagchikahan..
Si akhi lang kasi tong kasama ko ngayong lunch..
"wala akong problema akhi. Wait. Nasan ba si Lauren at Aurey?"
Napakamot lang sya ng batok.
"ewan ko ba. Hindi sila pumasok kanina.. Hindi ko din macontact"
"talaga? Ano kayang nangyari na sa dalawang yun?" bulong ko sa sarli ko.
"tara na" biglang sabi ni akhi sabay tayo!. Nakaupo kasi kami kanina sa round table.
"saan?"
"watakusiwa haraga hetta.." (gutom na ako) sabi ni akhi.
"and then?" tanong ko.
"kain na tayo sa cafeteria."
Ay oo nga pala. Lunch break ngayon pero hindi pa kami nakain..
"ahhhh... Libre mo?" tinaas baba ko yung kilay ko. Hehe..
"watakushiwa okanega nai -_-"
(wala akong pera -_-) Bakit ba ang damot ng taong to? Parang di ko kaibigan eeee.
"pshhh.. Damot mo.. Wag kang aasa na tutulungan kitang mapalapit kay Aubrey ha" tapos naglakad na ko papalayo. Napansin ko namang hindi sya sumunod kaya nilingon ko sya sa likod.. Aba't nanlalaki ang mata ng gagi! Haha. Namumula pa.. Yiiiiieeee. Sabi na't may hidden feelings to kay Sissie.. Kyaaaaa..
Lav et.
*munch munch munch*
Nakain lang ako ng JOLLIBEE CHAMP BURGER kasabay si akihiro na kumakain naman ngayon ng JOLLI HOTDOG.
Sa mga di nakakaalam kung nasan kami, pwes, nasa MCDO po kami ngayon.. -___-
"nga pala.. Halfday ngayon ah"
Napatigil ako sa pag nguya.. Talaga :3 ?? tsk. Yoko pang umuwi. Nakakatamad.
"san mo balak tumambay?" tanong ni Akhi.
BINABASA MO ANG
Epic Stalker (complete)
FanfictionMas nakakakilig daw pag Crush. Makita Lang si Crush, parang sinapian ka na. WAGAS kung makahampas sa katabi. OA kung maka-tili... Parang TANGANG mag isang nakangiti... hayyyyy... Masaya pag Crush palang. Pano pa kaya pag Love na???? Magpapaka Stalk...