Chapter 51: BEEP

2.2K 54 8
                                    

Chapter 51: BEEP

YUI'S P.O.V

Tumakbo ako palabas ng Dressing room nya.

Pakiramdam ko, isa akong nauupos na kandila. Nanghihina na ako. Masyado akong nasaktan sa mga narinig ko.

Sa fire exit na ako dumaan para makalabas ako.

Patuloy lang ang pag patak ng mga luha ko.

Hindi ko mapigilan ang hikbi ko.

Ang sakit. Sobra.

Pumara na ako ng taxi.

"hija" nagulat ako ng makita si manong. 

Sya nanaman ang nasakyan ko.

"m-manong" nakakahiya. Nakita nya akong ganito. Nakita nya akong umiiyak.

"anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak hija?" napaiwas ako ng tingin. Ayokong sabihin. Ayokong isipin nyang nagpakatanga ako. 

"w-wala ito manong." nagpahid ako ng luha pero nababasa parin ang pisngi ko dahil walang tigil ang pagtulo ng mga ito.

"sigurado ka ba? Okay ka lang ba?" okay lang ba ako?

Hindi. Hindi ako okay. Pero hindi ko saabihin kay manong.

Umiling nalang ako at nagpakita ng malungkot na ngiti. "wag mo na akong intindihin manong"

Wala ng nagawa si manong kundi ang humarap sa unahan. Tinignan nya lang ako mula sa rear view mirror.

"san ka pupunta hija?" tanong ni manong.

San nga ba ako pupunta? 

Ayoko pang umuwi. Ayokong kaawaan ako ng kuya ko.

Ayokong magalit sya kay Cyrus. 

"hija? San kita ihahatid?" hindi parin umaandar yung taxi. 

Hindi ko alam ang isasagot ko. Gulong gulo na ako.

"k-kahit saan po manong"

napayuko ako sa tuhod ko matapos kong sabihin yun.

Humagulgol na ako sa iyak. Nakakahiya man kay manong pero hindi ko na talaga kaya pa.

Naiipon lang yung sakit sa dibdib ko. 

Hindi na ako tinanong pa ni manong at nagmaneho na sya.

Nagpapaulit ulit sa ala ala ko yung mga narinig ko kanina.

Lalo lang nadudurog ang puso ko.

Hindi ko inaasahang magagawa nya sakin to. 

Dumungaw ako sa bintana.

Halos tumigil ang pag hinga ko nung makita ko yung football field.

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon