Chapter 22: Bangag

3.6K 86 4
                                    

Chapter 22: Bangag 

YUI'S P.O.V

"I heard that" 

Sabi ni Cyrus.

O_O oh dumdum. Narinig nya? Eh sa isip ko lang kaya sinabi. 

Baka naman iba ang narinig nya. 

Kalma lang Yui! 

Woooooh.

"a-anong narinig mo?" 

"haha. I heard you whisper.. Uhmmm. Di naman mukhang puntod si Roxy ah" 

Shoot!

"ha? He-he. JOKE JOKE JOKE!!" yun nalang ang nasabi ko at naka peace sign pa.  

Mukha tuloy akong baluga :3

"hahaha. Nakakatawa ka talaga" 

N-nakakatawa daw ako? Wow! 

"i'll take that as a compliment" at nginitian ko sya.

Tumingin ako sa screen. 

Sheeeet. Mag kikiss na sila T__T  

Nag iritan ang mga kakaklase ko. Naka slow mo kasi ang kiss. 

Alam nyo yung effects na ang bilis bilis ng lakad ng ibang tao sa paligid mo tapos kayo lang ang naka slow mo? Ganun yung drama nila ngayon. Hayyy nako. Hindi ako kinikilig -_-

Nag kiss na sila.. Ata? Napapikit kasi ako bigla.. Tinakpan ko din ng palad ko yung mga mata ko. 

Sorry naman. Di ko matake yung scene eh.

Pag tanggal ko ng palad ko sa mga mata ko, halos lumuwa ang mga internal organs ko sa sobrang gulat.

O/////O 

Naka balandra sa harap ng mukha ko yung mukha ni... 

Ni.... 

Ni ano.. 

C-cyrus?! *gulp*

Kinatok nya ang noo ko kaya nabalik ako sa wisyo ko. 

"bakit ayaw mong makita yung scene? *grinn"  

"loko. Napuwing lang ako kaya tinakpan ko ang mata ko. kinusot ko lang"

"haha.. Okay. Sabi mo eh. *grin*"  

"hoy. Ang panget ng ngiti mo ah. Baka kung anong iniisip mo jan.! Ako nang nagsasabi sayo, hindi dahil sa scene kaya nagtaklob ko ng mata ha!!" 

"haha.. Okay" biglang nag ring ang phone ko.

Ms. hirano calling...

Hala... Bakit kaya sya natawag sakin?? Pangbasag lang ng kilig eh noh?? :3

AUBREY'S P.O.V 

Sunday ngayon at isang araw nang di muli nagpaparamdam si Yui. Hayyyy. Nakakapag tampo na talaga :(

May pinagusapan kami noon. Ngayong sunday namin itutuloy yung plano. 

Sasali kasi kami sa cosplay event sa SM. Secret na kung kelan yun. Baka manuod kayo :3 haha. Joke.

So ayun nga. Papunta kami ngayon ni Lauren sa bahay nila Yui. Surprise visit kumbaga! Nagdala na rin kami ng stick O. Pambawi manlang. Tinakam ko daw kasi sya nung friday.

*ding dong* 

Si Lauren na ang nag doorbell. 

Nag uusok na nga ang ilong nya. 

Bubungangaan daw nya si Yui ngayon. Haha.

Wag kayong matakot mga readers. Sadyang HB lagi si Lauren. Kaya NBSB. Haha. Takot ang mga boys sa kanya. Amazona kasi masyado.

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon