Chapter 46:damn you!
DARREN'S P.O.V
"ano ba naman to?" naibulong ko nalang sa sarili ko habang pinapanuod ang rehearsal nila luigi at shanaiah.
"walang kwenta. Hahahaha. Ang pangit!!" napapailing ako.
Bakit naman ba kasi mukhang tanga si shanaiah. Ang OA mag sayaw. Bigay todo. Hahahahaha. Nakakatawa. xD
"HAHAHAHAH-----e-ehem" (>.>)
Sabi ko nga. Hihinaan ko na ang tawa ko.
Ang sama makatingin nung bakla. If i'm not mistaken, sya yung Choreo.
Ibinaling nya ulit yung atensyon nya kila luigi at shanaiah kaya nakatawa ulit ako. Pero pasimple lang.
Baka pag nahuli akong tumatawa, baka palayasin na nila ako dito sa Auditorium.
"Bravo! Bravo! Very well dance"
Napatingin ako dun sa palakpak ng palakpak na Choreo.
O_o? Seriously? Nagandahan sya sa sayaw nila? Parang timang.
Hahaha XD
"Break muna!!" sigaw nung isang staff. Bumaba naman sila ng stage at inabutan sila ng pagkain.
Pinapanuod ko lang sila. Wala akong balak lumapit. At isa pa, ayokong makihati sa pagkain nila dahil busog na pati ako. Kagagaling ko lang kasi sa *ehem* date namin ni *ehem* maureen.
"tol!!!" sigaw ni Luigi habang nakataas ang isang kamay na may hawak ng box ng pizza. More on, nag aalok syang kumain.
Umiling lang ako.
Wala kasi talaga akong ganang kumain. Nandito lang ako at nanunuod dahil sa hininging favor ni Maureen.
Bantayan ko daw ang kuya nya at kung maaari ay bakudan ko laban kay Shanaiah.
Hahaha. Ewan ko ba kay maureen. Napaparanoid na.
Ayaw na ayaw daw nyang lalapitan ni shanaiah si luigi kasi kilala nya daw si shanaiah.
Flirt daw ito at magaling mag gawa ng kwento.
Ayaw ko mang maniwala sa sinasabi ni maureen pero unti unti na akong nacoconvince ng mga sinasabi nya.
At nakakatawa lang. Kasi pakiramdam ko, hindi ko na kailangang bakudan pa si luigi. Gumagawa na sya ng sariling bakod nya laban kay shanaiah.
Lagi syang nalayo everytime lalapit si shanaiah sa kanya. Iniirapan nya si shanaiah sa tuwing magtatanong ito. Tinatanggal nya ang kamay ni shanaiah sa twing na kapit ito sa braso nya.
Mukhang diring diri sya.
Hahahaha. Para syang bakla sa inaasta nya pero alam ko ang dahilan nya kaya lumalayo sya.
Saludo ako sa kanya kasi isa syang huwarang syota. Mahal na mahal nya si baby at ayaw nyang gumawa ng issue na makapag papaaway sa kanila ni baby.

BINABASA MO ANG
Epic Stalker (complete)
Hayran KurguMas nakakakilig daw pag Crush. Makita Lang si Crush, parang sinapian ka na. WAGAS kung makahampas sa katabi. OA kung maka-tili... Parang TANGANG mag isang nakangiti... hayyyyy... Masaya pag Crush palang. Pano pa kaya pag Love na???? Magpapaka Stalk...