Chapter 19.5: Bienvenido's Residence (part 2)

3.3K 96 19
                                    

Chapter 19.5: Bienvenido's Residence (part 2)

"daddy!!!!!!!!!" halos gumuho ang mundo ko ng may tumakbong bata papalapit kay Cyrus at niyakap sya nito sa tuhod.

"baby" tapos binuhat pa sya ni Cyrus.

May biglang lumapit na babae. Yung Girlfriend nya.

Ano to? Reuniting moment? So epal lang ako dito? :(

"yui... Hey yui.. Are you okay?" tapos may nag alog sa balikat ko.

Nabalik ako sa wisyo ko. Shet. Nakita ko nanaman sya at yung batang buhat buhat nya. 

I don't even know na pamilyadong tao na pala si Cyrus.

Grabe. Ang sakit!

"ahhh.. C-cyrus, uuwi na ko"  

Bastos mang tignan pero, tumalikod na ko at akmang lalakad na palabas ng bahay kaso napatigil ako.

May humawak sa kaliwang braso ko.  

Si Cyrus, pinigilan nya ko.

"maglunch ka muna dito oh" 

"ahhh. K-kasi----" 

Bago pa ko makaimik, hinatak nya na ko papunta sa dinning area.

No choice ako kundi ang umupo.

Nakakahiya nga eh. Kasama ko ang mag ina nya habang nakain? Aray lang. Swear! After this, lalayo na talaga ako.

"ahh.. Hindi pa nga pala kita napapakilala.. Uhmmm.. Yui this is Maureen and Bree"

Bakit pa nya pinaki---- waiiiiiit O____O 

Si Bree yung bata?

"w-who's bree? G-girlfriend mo?" 

"huh? Hindi ah.. Kapatid ko yun. Di mo sya kilala?"  

Naalala ko yung sinabi nya nung nasa beach kami. Kapatid nya si Bree!!!!

So... Kapatid nya to? H-hindi nya anak?? Hoooooo. Tunge ko kasi.. Bakit ba hindi ko namukhaan? Hihi. ^^v sorry naman.  

Nadala lang ng emosyon. Tsaka magkamukha kasi sila ni Cyrus kaya ayun, akala ko anak nya.

Hindi ko napigilang mapangiti. :D

"ang cute naman ni Bree. Grabe nakakapanggigil!" nasabi ko nalang bigla habang todo ngiti. Gusto kong pisilin ang pisngi kaso nasa kabilang part sya ng lamesa kaya masyadong malayo sakin. Hindi ko abot.

Nag giggle si bree!!! "i told you daddy! I'm so Cute. And adorable!! right mom-----" biglang tinakpan ni Cyrus yung bibig ni bree.

Pero wait. Sakin nakatingin si bree. It means ako ang tinatanong nya kung adorable sya.

"haha. Ofcourse Bree. Your so adorable!" sabi ko.

Nagtataka ako kung ano ba yung sasabihin sana ni Bree. Hindi nya kasi natuloy.

"well. So much for that" biglang singit nung girlfriend nya. Nawala tuloy yung ngiti ko :3 "by the way, i'm Maureen" tapos inextend nya ang kamay nya for shake hands. Owwww. Sya pala si maureen. *nodding head*

"nice meeting you :) i'm yui" todo smile ulit ako.

"haha. Ang ganda naman pala nitong si Yui. Kaya naman pala......." sabi ni Maureen habang nakatingin kay Cyrus. Okay? Ano yun?

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon