Chapter 8: RUNAWAY

4.3K 104 9
                                    

CHAPTER 8: RUNAWAY 

Naglakad na ulit ako papasok ng room nang biglang *boogsh*

seriously? Uso talaga ang banggaan ngaun?
"sorry" sabi ko nang nakayuko pero di ako pinansin nung nakabanggaan ko. Mukhang nagmamadali ata.

Nilingon ko sya.
Si cyrus??
Sya yung nadanggil ko? Bakit naman kaya sya nagmamadaling umalis eh may klase pa naman.

Napansin kong may kausap pala sya sa phone nya.
Hindi kaya---?
Hala. Ngayon nga pala sila magkikita nung "baby" nya.

Diba sabi nya sa phone noon wednesday daw sila magkikita?
Eh wednesday ngayon so posibleng pupuntahan nya yung girlfriend nya. T^T

Hindi ko maintindihan yung paa ko. Kusa syang naglalakad papunta kay Cyrus. Parang gusto ng paa kong sumunod. Parang sinasapian nanaman ako ng stalker na spirito ko. Anu ba yan.

Di ko namamalayang nasa labas na pala kami ng campus. Dito pala sya nagpapark. Mukhang tagong tago yung place. Wala kasing gaanong tao dito.

Napansin kong papasakay na sya ng kotse nya kaya kumaripas na ko ng takbo papuntang kanto para makapara ng taxi. Hehehe. Syempre kailangang may masakyan ako para madali ko syang masundan.

Sakto namang may nakaparadang taxi sa kanto kaya agad ko nang sinakyan.

"manong sundan nyo po yung kotseng papalabas." sabi ko habang nakaturo sa sasakyan ni cyrus habang nakadungaw ako sa pagitan ng drivers seat at shotgun seat.

Tinignan lang ako ni manong na parang nagtataka.
"hija, masama ang magstalk"

wow! Namangha naman ako dun. Alam ni manong yung word na stalk? Haha. Bravo.

Pero wait. Ayaw paandarin ni manong yung taxi nya. Hala, baka makalayo yung kotse ni cyrus.
Anong gagawin ko?

"*sniff* m-manong, parang awa niyo na. Sundan nyo na yung sasakyan nung boyfriend ko. Gusto ko lang naman malaman kung may iba na sya eh. *sniff* g-gusto ko lang naman po malaman kung niloloko nya ko eh. Parang awa niyo na po. *sniff* sundan na natin sya" my tears fell.

"t-tahan na hija. Sige. Susundan na natin"
at pinaharurot na ni manong yung taxi nya. Grabe. Ang galing ng acting skills ko. XD

"manong. Dyan nalang po sa tabi. " sabi ko tska itinigil ni manong yung sasakyan. Mejo malayo yung taxi namin sa kotse ni cyrus para di kami masyadong obvious.

"eto po ang bayad ko. . Naku maraming maraming salamat po talaga manong. Ngayon masasagot ko na ang mga katanungan sa isip ko. Malalaman ko na kung may kalaguyo ang boyfriend ko. Lahat ng yun ay dahil sa inyo kaya maraming maraming salamat po. Pagpalain nawa po kayo ng poong maykapal" at huminga ako ng malalim matapos ng OA na speech ko. Haha.

Binuksan ko na yung pinto at tuluyang lumabas. Pasimple akong lumapit sa kinatatayuan ni Cyrus.

Nakatayo sya sa tapat ng isang malaking bahay habang nagdodoorbell.. Habang ako ay nagtatago sa gilid ng saskyan nya.

Biglang nagbukas ang pinto. Ang masakit pa nito, babae ang nagbukas. Napakagandang babae.
Napaka sexy, napaka kinis, napaka ganda ng porma, napaka cute ng ngiti at napaka purong babae at walang halong kabaklaan sa pagmumuka.
Aray ko. Kabog ang beauty ko.

Makauwi na nga lang.

Ay hindi. Babalik nalang pala ako ng school. Cutting na ko kanina eh. Pshhh.

Heto ako ngayon. Nag iisa... Naglalakbay sa gitna ng dil--- este kalsada.
Anu daw? Napapakanta na tuloy ako. Masyado kong dinadamdam ang sakit.

Pumara na ako ng taxi..
"oh kamusta?"

nanlaki lang ang mata ko. Si manong ulit? Hindi naman kaya were destined for each other?
Pwedeng sumuka?
Haha. Biro lang.

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon