Chapter 37: Laugh Away

2.9K 74 5
                                    

Chapter 37: Laugh Away

YUI'S P.O.V

Malapit na ang December!

Waaaaaaaaa...!!!

Makikita ko na ulit ang mga ninong at ninang ko. Haha.

Pero sa ngayon, eenjoyin ko muna ang sembreak!

"ang ganda ganda talaga dito cyrus! Magkano bili mo?" tanong ko kay cyrus habang nililibot ko ang van nya.

Yung van na malaki na parang bahay. May Kwarto, kitchen, salas at cr! Ang ganda! 

"secret. Matulog ka na muna dyan. Mahaba pa ang byahe natin" sagot ni cyrus habang nagdadrive.

"nasan na ba tayo?" tanong ko.

"SLEX palang." sagot naman nya.

Papunta kasi kami ngayon sa Nasugbu, Batangas. May Outing kami. Kasama ang mga friends namin, syempre. 

Kaso humiwalay ng sasakyan.

Eto kasing si cyrus, ayaw pasakayin yung mga kaibigan namin. Ewan ko ba sa kanya.

Gusto nya, ako lang daw ang kasama.

Kyaaaaa. >////<

Kinikilig naman ako!

Haha.

Magkakasama naman sa iisang sasakyan sila Aubrey, Lauren, akhi at Kuya. Pati ata si Maureen at darren kasama nila.

Ewan ko lang. Umuna na kasi kaming umalis. Hindi ko alam kung napagkasya ba nila ang sarili nila sa Fortuner ni kuya. xD

CYRUS' P.O.V

Magkasama kami ngayon ni yui papuntang Nasugbu. At ang maganda pa nyan, nakikita ko syang masayang masaya, kahit nasa byahe pa lang.

I want to always see her happy. I promised her parents to take care and love their daughter that's why i'm doing my very best to make her feel loved.

May isa pa nga pala akong hindi nasasabi sa kanya.

At yun ay ang alam ko nang artista sya sa Japan.

Nagpromise kasi ako sa mga magulang nya.

_Flashback_

"yes daddy! I promise!!" masayang masayang sagot ko.

"ay hijo may----" di ko pinatapos si mommy mag salita kasi umimik agad ako.

"wag na pong hijo ang itawag nyo sakin. Anak nalang po" ngumiti ako ng nakakaloko.

"hahaha. He's really different. Haha" sabi ni daddy habang nakaturo sakin.

"haha. Oo nga" hinarap ako ni mommy at kinausap ako "anak, may isa pa pala kaming gustong gawin mo." sabi nya.

"ano po yun?" tanong ko.

"wag mo na sana sabihin pa kay Yui na alam mo nang artista sya."

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon