Chapter 20.5: Roller skates (part 2)
YUI'S P.O.V
Akala ko, hahalikan nya ko . Yun pala, pipisilin ang Ilong ko.
Leche...
Malapit na sa CLIMAX, naantala pa. Buset. :3
"ang cute ng ilong mo..hahaha."
"araaaay" sigaw ko habang tinutulak palayo yung kamay nya sa ilong ko..
"Bwiset!! Paa---" di ko natuloy ang sasabihin ko.
"paasa ba? Hahaha. Next time!"
Next time daw?
Eeee? As in? Kyaaaaaaaaa.
"hawak ka lang sakin ha. Baka mawala ka" tapos kinuha nya ang kamay ko at kinapit sa likod ng damit nya.
"mawala? Ano ko? Bata?"
"haha. Hawak ka ng mahigpit. Baka mawala ka sakin"
Namula naman ako bigla.
Buti nasa likod nya ko kaya di nya nakita.
"joke lang. Haha. Pinapakilig lang kita" sabi nya habang natawa. Asar. Sinasamantala nya ang kahinaan ko.
Mahina po kaya ako pagdating sa mga sweet words :( nadadala agad ako..
Pero aminiiiin. Kinilig naman ako dun. :P
"yaaaaaaaa. Hoy may tae. May tae. May tae!" nagsisigaw ako na parang ewan.
"nasan??!" tanong nya.
"ayun!"
Tumingin sya kaya naiwasan namin. Whooooa.
"nakakatawa ka talaga. Para kang bata. Ang ingay at ang kulit mo" sabi nya habang nagroroller skates kami at nakatingin sa malayo.
Napakagat labi tuloy ako.
"pero that turns me on"
Sa sobrang kilig ko. Parang nanghina ang braso ko at napabitaw sa kapit sa damit nya.
Nagdirediretsong andar tuloy sya habang ako ay nakatigil na at nakatulala.
Naramdaman siguro nyang wala ako sa likod nya kaya lumingon sya.
CYRUS'S P.O.V
Lumingon ako kay Yui. Eh? Bat nakatulala yun? At namumula pa.
Ano bang ginawa ko? Anong sinabi ko?
'pero that turns me on' naalala ko yung last sentence ko.
Dahil kaya dun? Haha.
Napailing nalang ako habang nakangiti. Lumapit ako sa kanya para bumalik sya sa katauhan nya. Tulala eh.
"psssst" at pumitik pa ko sa harap ng mukha nya.
Halatang nagulat sya sa pitik ko. Napapikit kasi sya at yun, nagbalik na sya sa wisyo nya.
"ahh, Cyrus, sige ha, uwi na ko." at tumalikod sya.
"teka.. Uuwi ka? Pano ka uuwi?" sabay hablot ng braso nya
"ahhh. Ano.. Yang, mag roroller skates ako pauwi. Hehe. Tama.."
Kumunot naman ang noo ko. Halatang nagsisinungaling sya.
"diba hindi ka marunong mag roller Skates?" sabi ko.
"ay oo nga noh. Hehe."
"wag ka munang umuwi. Lets enjoy this day. Nang tayong dalawa lang"
BINABASA MO ANG
Epic Stalker (complete)
FanfictionMas nakakakilig daw pag Crush. Makita Lang si Crush, parang sinapian ka na. WAGAS kung makahampas sa katabi. OA kung maka-tili... Parang TANGANG mag isang nakangiti... hayyyyy... Masaya pag Crush palang. Pano pa kaya pag Love na???? Magpapaka Stalk...