Chapter 48: Celebrity Lovers

2.5K 69 6
                                    

Chapter 48: Celebrity Lovers 

YUI'S P.O.V

"nauuhaw ako. Teka, kuha muna akong tubig. Ikaw? Gusto mo?" tanong ko habang inilalapag yung shoulder bag ko sa sofa.  

"sige" sagot naman nya tapos umupo sya sa sofa at binitawan yung maleta ko.

Dumiretso na akong kusina at nagsalin ng tubig sa dalawang baso.  

Iniinom ko na yung tubig ko habang naglalakad ako palabas ng kusina nang may mapansin ako.

Nadatnan ko si Cyrus na nakaupo sa sofa habang nakapatong ang dalawang siko sa magkabilang tuhod nya at nakahawak sa may parteng sentido ang mga kamay nya.

Tinigil ko ang pag inom ko at lumapit ako sa kanya. "okay ka lang ba?" tanong ko habang nilalapag yung baso sa lamesa.

Di ko alam kung masakit ba ang ulo nya o may problema sya.  

"gusto mong magpahinga muna?"

may Jetlag pa ata si Cyrus kaya masama ang paki--- teka? Pano naman sya magkaka jetlag? Eh ako ang nag eroplano?

"okay lang ako" sabi nya. 

Hinawakan ko ang noo nya kasi pinag papawisan sya tapos namumutla. Di kaya buntis to? 

Hehehe. Joke. 

Baka may lagnat ang chupachups ko.

"hindi ka naman mainit. Bakit parang----" 

"okay lang ako yui. Siguro kailangan ko lang magpahinga."

"s-sige. Tara. Dun ka muna matulog sa kwarto ko." inalalayan ko syang tumayo at nagpunta na nga kami sa kwarto ko. 

Bakit kaya namumutla si cyrus? Tapos ang tamlay pa nang mga mata nya pero di naman sya mainit.

"akin na ang paa mo. Tatanggalin ko sapatos mo" sabi ko matapos ko syang maihiga.

Hindi na sya umimik pa at iniabot sakin ang paa nya.  

"masakit ba ang ulo mo? Nilalagnat ka ba?"  

"h-hindi" sagot naman nya. 

"Tsk. Hindi pa yang lagay na yan? Ang tamlay tamlay mo na nga oh." itinabi ko yung sapatos nya "dito ka muna. Kukuha lang ako ng gamot ha"

tumayo na ako at paalis na sana kaso--- 

O___O

"dito ka lang"

nakita ko nalang bigla ang sarili kong nakahiga na rin at yakap yakap ni Cyrus.

"h-huy! A-ano ka ba. Kukuha pa ko ng---" mejo lumuwag yung yakap nya at tumitig sya sakin "ng ano.. *gulp* g-gamot"

ang lapit nya masyado.  

*LUNOK*

"Ayoko ng gamot." nilapit pa nya lalo ang mukha nya at pinagdikit ang ilong namin pareho. O///O 

"I love you yui"

O///O 

KYYYAAAAAAAAAAAAAAAA!! >///<

KELANGAN MALAPITAN MAG AYLABYU!?? 

WAAAAAH.  

Hoooh! Inhale! Hoooh! Exhale! 

Kalma Yui!

"I love you so much" bulong nya ulet.

>//////< 

POTEK! Ayoko na! 

I give up! Di na ko makahinga! 

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon