Chapter 53: Operation

2.2K 56 6
                                    

Chapter 53: Operation

YUI'S P.O.V

Isang Linggo na.

Isang Linggo na akong nakaratay dito sa kama. Isang Linggo na rin akong walang nakikita.

Ang tagal tagal na. Gustong gusto ko nang makakita.

Gusto ko nang bumalik sa dati ang lahat.

Nagpapakatatag ako kahit sa totoo lang, sukong suko na ako. 

Hindi ko na kaya. Suko na ako.

Gusto ko nang mamatay. Pero ayokong iwan ang pamilya ko. Ayokong iwan ang mga kaibigan ko. Sila nalang ang nagsisilbing lakas ko.

Kasi sa loob ng isang Linggo, sila lang ang nakakasama ko. 

Si Cyrus?

Wala na sya. Siguro... Siguro natauhan na.

Napag isip isip nya sigurong wala na akong silbi sa kanya.

"good evening ma'am. Time for your medicine" nandito na pala yung nurse ko.

Tumango nalang ako kaya pinainom nya na ko.

"nurse" pagtawag ko.

"yes ma'am?" tanong nya.

"pwede bang paki bukas ng t.v? G-gusto kong m-makinig" sabi ko.

"sige po ma'am"

"salamat" nakangiting sabi ko.

Ilang sandali pa, narinig ko na ang tunog ng T.v.

Nakakamiss din pala. Dati, nakakanuod pa ako. Ngayon, hindi na. Hanggang pakikinig nalang ako. 

Natawa ako ng bahagya.

Hindi lang kasi ako basta bastang nanonood dati. Napapanood din ako. Pero ngayon? Imposible na. 

Hindi na ako pwedeng maging artista. 

Hindi na ako muling makikita sa T.V.

Tsk. Depende lang kung mababalita yung nangyari sakin. Depende nalang kung ibroadcast sa Japan at Pilipinas yung kamalasang natamo ko. 

"THE BUZZ na pala ma'am" sabi nung nakabantay saking nurse. Hindi na ako sumagot pa.

Nakinig nalang akong mabuti sa balita.

"kontrobersiya na kinahaharap ngayon ni Shanaiah tungkol sa di umano'y pagtatangka nyang pagpapakamatay kasama ang isang di matukoy tukoy sa pagkakakilanlan na dalaga, Ating Pag-uusapan!" buti nalang. Mabuti nalang at napagtakpan pa ang pagkatao ko. Pasalamat ako at hindi nila sinabing ako yung babaeng pinagtangkaan ni Shanaiah. Akala ko pa man din ay kalat na ang balita sa lahat. Pasalamat nalang ako at naprotektahan ang identity ko.

"Cyrus Luigi Bienvenido, aalis na nga ba sa Kapamilya?"

napalunok ako.

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon