Chapter 11: weird!

3.9K 98 4
                                    

Chapter 11: Weird! 

SEPH YUJI'S P.O.V

"ano bang nangyari kay Yui? Bakit dalawang araw na yang nagkakaganyan?" tanong ko kay akihiro.  

I noticed kasi na parang balisa at nababaliw na si Yui.

Minsan tahimik lang at tulala, maya maya iuuntog na ang ulo sa pader tapos biglang sasabunutan ang sarili tapos maya maya nangungulangot na sa isang tabi. Wahaha.. Pero syempre, joke lang yung pangungulangot portion.

"hindi ko alam.. Last na nagkita kasi kami ay nung sabay kaming naglunch sa Jollibee. Okay pa naman sya nun. Tinakbuhan pa nga ako eh" sagot naman nya..

Napatingin naman kami pareho kay Yui.

"nakakahiya.. Nakakahiya.. Nakakahiya" nakakasawa!! Nakakasawa na ang mga pinagsasa-sabi nya. Paulit ulit nalang.. 

Ano ba ang ikinakahiya nya?

"lagi nalang nakakahiya ang bukang bibig nyan.. Pagtinatanong ko naman kung ano yung ikinakahiya nya, sinasabi nalang nyang ehem.. 'onni-chan!! Anong gagawin ko?' hay nako! Maluluko na ko sa babaeng yan" 

"haha.. Chill ka lang Yuji! Ako nang bahala dito" tapos tinapik ni akihiro ang balikat ko at lumakad papalapit kay Yui na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang yakap yakap ang dalawang binti nya. -__-

"Repapips!" 

"AY UTOT!!!!" napasigaw si Yui sa gulat. 

"anong nangyayari sayo? Bakit ang weirdo weirdo mo? May nangyari ba??" tanong ni akhi..

"Akhi.!!! Nakakahiya" pagmamaktol nya. 

"ano ba kasi yung kinakahiya mo? Sabihin mo sakin. Di kita tatawanan. Promise"

Napatingin sa kanya si yui at bumuntong hininga.. Ayun. Sasabihin nya na ata..

"kasi akhi.. Ang epic epic ko.! Pumunta kasi ako sa-----" natigilan sya at napatakip ng ilong. "YUCK!! Ano yung mabaho?" sigaw nya..

Mabaho?  

*sniff* 

SHET.. Ang baho nga.. Amoy Utot!

"hehe.. Sorry. Di ko napigilan eh." sabi ni akhi habang naka peace sign..

Si yui naman... Aba't biglang nanlaki ang mata at natulala.. 

"yui.. Yoohoooo.. Success ba ang landing ng utak sa mars? Yoohooo.. Still alive?" sabi ni akhi habang itinataas baba ang palad nya sa harap ng mukha ni Yui.

Ayan nanaman si Yui.. Hindi kaya natikbalang na to? 

Tsk.

Lumapit na ko at kinulbit sya ng matauhan. 

"HOY YUI ANONG------" 

"KYAAAAAAAAA!!!!!!" bigla nalang sya nagtatakbo palabas ng bahay...

Napasapo nalang ako ng ulo. LUKA na nga yun. Tssssss

YUI'S P.O.V 

Nakakahiya talaga T____T 

Feeling ko, ayun na ang pinaka Epic na nagawa ko.. 

Bakit kasi hindi ko napigilan ee.. 

Bakit lumabas pa?

Yan tuloy, maraming nakarinig ng malakas na Utot ko.. >___< 

And worse, kasama sa maraming yun si chupachups ko.

Oh lupa.. Lamunin mo na ko! 

Huhu :"(

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon