Chapter 35: Football field
YUI'S P.O.V
"WOOOOOOOHHHHH!!! Ang hangiiiiin!!!" sigaw ko. Haha. Para akong abnoy ngayon.
Pasigaw sigaw lang.
Ang sarap palang sumabit sa jeep.
"oh. Kumapit ka ng ayos. Baka malaglag ka" paalala sakin ni cyrus.
"oo naman. Mahigpit yata ang kapit ko"
"pshhh. Oo na"
"haha. Mas masarap palang sumabit ng jeep kesa sumakay ng ferris wheel noh?" sabi ko.
"enjoy na enjoy ka talaga ha? Haha. Wag kang masyadong pakasaya ngayon. Dapat Mag reserve ka ng energy mo para mamaya" sabay kindat nya.
"oh? Bakit naman?"
"bastaaaaa"
Tsss. Ano kayang binabalak nya. Nakaka curious naman and at the same time, nakaka excite. Hihi. Ano kayang mangyayari mamaya?
Ay oo nga pala. Di ko pa naibibigay yung regalo ko!
Yari ako neto...
"pasok na" sabi nya nung nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Obvious naman sigurong nakababa na kami ng Jeep noh? -___-
This is it. Ibibigay ko na yung gift ko.
"ay cyrus nga pala--- /ay nga pala yui--- " sabay naming sabi.
"sige ano yun? /anong sasabihin mo?" sabay ulit naming sabi.
"haha. Ikaw muna/ hind. ikaw muna. " chorus again. Haha.
Tinakpan ko na ng palad ko yung bibig ni cyrus. Baka maka imik pa ee.
"haha. Ikaw na kasi ang mauna. Mamaya ko na sasabihin yung akin. Okay?" then tinanggal ko na yung kamay ko.
"oo na nga. Sasabihin ko lang naman na mag ayos ka. I'll be back later. Susunduin kita" sabi nya habang nakapamulsa ang kamay.
Susunduin nya ko? Edi aalis kami. Edi magkasama ulit kami mamaya. Kung ganun, mamaya ko na ibibigay yung gift ko! Haha. Much better.
"it's your turn. Ano yung sasabihin mo?"
Ala. Wala na kong sasabihin. Mamaya na!
Pano na to? Anong i aalibi ko ngayon?
"ahhh, ako? May sasabihin? W-wala ah!"
Nagsalubong naman bigla ang kilay nya.
Sabi ko nga. Muntanga yung alibi ko :3
"Liar. Tell me. Ano yun?" seryosong tanong nya.
Eee mamaya na kasi. Mamaya ko na ibibigay yung gift ko. Ayoko namang ipaalam sa kanya na ibibigay ko na sana sa kanya yung gift ko kaso lang nagbago ang isip ko. Bahala na nga.
"ahh.. W-wala nga. He-he-he"
He glared at me. "yui"
BINABASA MO ANG
Epic Stalker (complete)
FanfictionMas nakakakilig daw pag Crush. Makita Lang si Crush, parang sinapian ka na. WAGAS kung makahampas sa katabi. OA kung maka-tili... Parang TANGANG mag isang nakangiti... hayyyyy... Masaya pag Crush palang. Pano pa kaya pag Love na???? Magpapaka Stalk...