Chapter 26.5: Mogu-mogu & Chupachups
YUI'S P.O.V
"sino ba naman ako sayo Cyrus? Diba wala! Ang tanga ko noh! Umasa pa kasi ako" sinabi ko ulit.
"umasa? Saan?" leche! Ang manhid mo!
Natigilan ako. Ayokong sabihing may gusto ako sa kanya. Para ano pa? Wala namang mababago diba?
"umalis ka na nga. Naaasar ako sayo! Naaasar ako sa inyo ni Roxy. Bwisit! Ang flirt nyo!! Nakakairita"
Tumalikod na ko pero tumakbo sya sa harapan ko para harangan ako.
"Yui. Ikaw ba.. M-may gusto sakin? Sabihin mo nga" anong sasabihin ko? *gulp*
"LECHE!! Ang kapal ng mukha mong sabihing may gusto ako sayo kasi w-wala naman. Bwisit!! Manhid ka lang talaga. Hindi mo manlang nararamdaman na mahal kita! Tae ka. Ang laki ng pinagkaiba ng gusto sa mahal! Shet. Nakakaiyamot ka! Alam mo ba? Alam mo bang nagseselos ako ha? *sniff* nagselos ako kanina nung makita ko kayong magkayakap ni Shanaiah. Tapos ako.. Echapwera lang sayo. Peste! Bakit kasi minahal pa kita!! Oo. Cyrus! Ngayon inaamin ko na.. Mahal kita! Itaga mo yan sa gung gung mong kokote!"
Nagulat sya sa mga sinabi ko. Totoo ba yun? S-sinabi ko ang mga yun? Tapos ano? Masasaktan nanaman ako sa isasagot nya?
"Y-yui.." hindi sya makapagsalita.
Nag init nanaman ang palibot ng mata ko. Feeling ko maiiyak nanaman ako. Bakit ganito ang pakiramdam ko.
Feeling ko marereject ako.
"Totoo ba yun? Yui kasi----" sabi na. Magdadahilan lang sya.
"wag ka na magpaliwanag. gets ko naman eh.. tsaka isa pa.. ang sabi ko, mahal kita. hindi ko sinabing mahalin mo rin ako"
"sandali nga lang Yui! Alam mo ba ang mali satin? Hindi natin pinapatapos ang isa't isang magsalita kaya hindi tayo magkaintindihan eh"
"masasaktan lang ako sa maririnig ko kaya ayoko ng mapakinggan pa. Ayos na saking nasabi ko sayo. Shete. Mukha na kong tanga dito."
"YUI NAMAN! Makinig ka kasi sakin. Pano ko masasabi sayong mahal din kita kung hindi mo ko hinahayaang magsalita. Mahal nga din kasi kita! Oh ano? Nasaktan ka ba sa narinig mo? Ha Yui!? Mahal kita. Itaga mo din jan sa kokote mo"
Nanigas ako dahil sa narinig ko.
Totoo? Talaga? Tama ba ang narinig ko? Baka nagha-hallucinate lang ako.
Pakikurot ako parang awa nyo na.
*Krrruuuuu kruuuuu*
Natahimik kaming dalawa. Nakaiwas ako ng tingin habang sya eh nakatingin sakin.
Hindi ako makapaniwala.
Baka joke time to!
"wag ka nga magjoke! Hindi naman-----" O______O

BINABASA MO ANG
Epic Stalker (complete)
FanfictionMas nakakakilig daw pag Crush. Makita Lang si Crush, parang sinapian ka na. WAGAS kung makahampas sa katabi. OA kung maka-tili... Parang TANGANG mag isang nakangiti... hayyyyy... Masaya pag Crush palang. Pano pa kaya pag Love na???? Magpapaka Stalk...