Chapter 12: Most Special Convo Ever!!!

3.9K 102 12
                                    

CHAPTER 12: MOST SPECIAL CONVO EVER!!! 

Good morning.

Good morning.

Good morning.

Paulit ulit lang nagrereplay sa utak ko. Gees.. Binati nya ko. 

Ang kaso lang, masyado akong nashock kaya hindi agad ako nakapag salita. Ni hindi ko manlang sya nabati :<

Natapos ang buong klase ng puro Katahimikan.

Nalalasahan ko na nga ang panis na laway ko. Grabe naman.. Ilang oras ang klase namin pero kahit isang beses hindi ko naibuka ang bibig ko! Anyare? Silent type na pala ko!

Ang galing!! Hindi ko alam. XD

"Sissie!!" naglalakad ako sa hallway kasi labasan na nang may biglang tumawag sakin.

Lumingon ako sa likod ko at..

*booogsh*

Aray. Dambahan ba naman ako nung dalawang sister ko? Sakit nun ah.

"we miss you sissie!!" sabi ni Aubrey habang inaalog alog ang braso ko. 

"me too! Grabe sister, tagal nating hindi nagparamdaman. Hindi ka manlang nagrereply sa text naming bruhilda ka!" 

Sabay pektus sakin ni Lauren.

SADISTA -_-

"haha.. Sorry naman. Busy lang"

"asus. busy daw? If i know, nagmistulang luka ka kasi nawala kami!!" 

"oi hindi ah. Sinong may sabi nun?" nakanguso kong sabi. Paiyak na! Haha.

"ayang si Akhi! Masyado ka daw depress tapos nagsasalita mag isa. Haha. Sayang! Di ko naabutan yung scene mong yun! Tsk. " aba't gusto pa talagang makita ni Lauren.

Sinamaan ko ng tingin si akhi kaya napaiwas sya ng tingin. Napatingala sya at sumipol.

Loko toh. Buti nalang hindi ko sa kanya ishinare yung reason kung bakit ako nakaganun. Kung nagkataon, baka headline na ako sa news ngayon. Daldal kasi -_-

"hay nako. Nag gagawa lang yan ng storya. Wala kasi syang maichika sa inyo. Lalo na sayo AUBREY" inemphasize ko talaga yung pangalan ni sissie kaya naman nanlaki ang mata ni akihiro. "nagpapapansin lang yan. Tara na nga lang. Uwi na tayo!" at hinatak ko na silang dalawa.

Pansin ko namang namula si Aubrey. Wait... Namula sya? Meaning, kinilig sya?? Eh? Haha. Yieeeee naman.

"bye!" sabi ko sa kanila pagkahatid nila sakin at pumasok na ako ng bahay.

Mejo mag gagabi na rin kaya nag shower na ko at nagpalit ng damit.

Tumapat na ko sa laptop ko at nagbrowse sa internet. Nag FB, TWITTER at TUMBLR lang ako. Nung pumunta ako sa Fan page ni Cyrus, parang may bigla akong kakaibang naramdaman.

Ewan ko ba pero parang may masamang espiritong bumubulong sakin at sinasabing istalk ko daw ngayon si Cyrus.

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon