Chapter 56: flashback

2.2K 57 5
                                    

Chapter 56: flashback

MAUREEN'S P.O.V

Naiinis ako.

Bakit bumalik pa sya? Ayos na kami eh.

Tanggap na ni Kuya na wala sya.

Tanggap na ni kuya na hindi na sya babalik pa. Pero bakit nagpakita pa sya?

Para ano? Para saktan ulit si kuya? Para paasahin nya ulit? 

Sa kondisyong yan ni kuya, mahirap talagang paniwalaang matatagalan sya ni Yui! Naaawa lang si Yui! Naguiguilty lang sya.

Nakakainis talaga.

Wag nya lang ulit saktan ang kuya ko,  kundi, ako ang makakaaway nya.

Pumasok ako muli sa hospital room ni kuya para balikan yung phone kong nailapag ko sa side table nya.

Pagkapasok na pagkapasok ko, nadatnan ko si Yui na nakaupo sa kama ni kuya ang nakasandal sa headboard habang pinapatulog si kuya.

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila at dumiretso sa pagkuha. Mabilis akong lumabas dahil hindi ko makayanan ang nakikita ko.

Nakangiti si Kuya. Halatang sobrang saya nya ngayong nasa tabi nya ang babaeng yun.

Naaasar ako kasi pumapasok sa isip kong masasaktan lang sya ulit. Nabibwisit ako sa naiisip kong, hindi magtatagal at babalik nanaman sya sa dati pag iniwan sya nun. Yung Cyrus na palaging malungkot. Yung Cyrus na palihim na umiiyak.

Ang kuya ko. N-ni minsan, hindi ko naisip na magkakaganito sya.

Yung isinuko nya ang pagiging artista nya para sundan si Yui sa Japan tapos ano, uuwi sya na bulag na rin at yung babaeng yun, nakakakita na. Yung isinakripisyo nya ang paningin nya para mapasaya ang girlfriend nya na ayaw na sakanya? Yung araw araw, may nagpapadala ng bulaklak sa bahay mula sa mga fans nya na walang ideyang bulag na pala ang idol nila.

Nakakaasar! Kung hindi lang kasi sya dumating sa buhay ng kuya ko, hindi naman sya magkakaganito eh.

Mahal na mahal sya ni kuya. Halos wala na nga ata syang itinirang kahit konting pagmamahal sa sarili nya.

_FLASHBACK_

"hoy kuya! Punta ka sa bahay mamaya ha. Palagi ka nalang jan natutulog sa van mong higante! Haha. Bisita naman kahit sandali. Miss ka na ni Bree oh" sabi ko kay Kuya.

6 am palang at kausap ko si kuya through phone.

(oo na.)

"good! Lunch ha. Don't forget!"

(okay.) i was about to say goodbye kaso, nagsalita sya agad.

(M-may isasama ako mamaya.) napalunok pa sya. Ewan ko ba kung napalunok nga sya. Hehe. Naputol kasi saglit yung sasabihin nya (Wag nyong aawayin ha) dagdag pa nya. Sino kaya yun?

"*ehem* babae ba yan kuya?" may halong pang aasar na tanong ko. Hehe.

Malay mo naman babae. For sure, special yun kay kuya kaya isasama nya sa bahay.

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon