Chapter 59: "basta Yui"

2.4K 65 10
                                    

Chapter 59: "basta Yui." 

CYRUS' P.O.V

Niyakap nya ko ng sobrang higpit.

Ramdam ko din ang bilis ng tibok ng puso nya at ang sunod sunod nyang paghikbi.

"g-gising ka pala! B-bakit mo ginawa yun? B-bakit mo ko biniro ng ganun? *sob* tinakot mo ko ng sobra alam mo ba yun?!" nararamdaman ko ang panginginig ng mga labi nya habang sinasabi nya yun.

Nakapatong kasi ang mga labi nya sa balikat ko. Ramdam ko din ang mga luha nyang tumutulo sa balikat ko.

"natakot ako. *sob* akala ko.. A-akala ko, iniwan mo na ko" 

Akala ko din iiwan na kita.

Hindi ko maintindihan kung anong nangyari. Siguro, patay na dapat ako. Second chance ko lang siguro to kaya humihinga pa ako.

"nakakainis ka. *sob* wag mo ng uulitin yun ha. *sob* h-hindi ko alam ang gagawin ko pag ginawa mo pa yun"

Hindi na ako nakasagot pa.

Ayoko sabihing totoo lahat ng yun. Na hindi ako nagbibiro kanina.

Pero ayoko namang mag alala pa sya. 

Tama na yung pag iyak nya.

Tama na. 

Ayoko ng umiyak pa sya.

YUI'S P.O.V

"nagugutom ka na ba? G-gusto mong kumain muna tayo?"

Dahan dahan syang tumango.

Makikita mong malungkot sya.

Hindi ko alam kung bakit.

Para bang may bumabagabag sa kanya. 

Kanina pang ganyan si Cyrus. Parang ang tamlay tamlay nya.

Siguro nga, gutom na sya.

"tara na. Balik na tayo sa hospital. Dun nalang tayo kumain" aalalayan ko na sana sya patayo pero hindi sya tumayo.

"pwede bang sa labas na tayo kumain? Nakakasawa na kasi ang pagkain sa ospital" malungkot na sabi nya.

Ano ba to? May mali talaga eh. 

Bakit ba naiiyak nanaman ako? Para akong tanga. Maya't maya na akong umiiyak. Kung anu ano kasing iniisip ko eh

"please" natigilan ako sa please nya.

"pero cyrus, makikita ka ng mga fans mo. baka----" hindi nya ako pinatapos.

"please yui." seryosong sabi nya.

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon