Chapter 21: Stick-O!!!

3.7K 90 5
                                    

Chapter 21: Stick-O!!! 

YUI'S P.O.V

"thanks for the ride" sabi ko matapos kong makababa ng kotse. Nasa tapat na kasi kami ng bahay.

Nginitian nya lang ako at tuluyan na kong bumaba ng kotse. Papasok na sana ako ng gate kaso tinawag nya ko ulit kaya napaharap ako sa kanya.

"salamat nga pala" sabi nya habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan nya. 

"salamat? Para saan?"

"...ahh ano.. Basta. Salamat.!" natigilan sya na animoy nag iisip pa ng sunod na sasabihin.  

"sige. Alis na ko" with that, pinaharurot nya na ang sasakyan nya paalis.

Bakit kaya sya nagpapasalamat? 

Hmmm. Di bale na nga. Basta masaya ko ngayon. Yun na yun XD konek?

Naglalakad na ko papalapit sa pinto ng bahay namin nang mapatigil ako. Bakit? Kasi biglang nagbukas ang pinto at kasabay nito ay ang paglabas ni 

Darren ng bahay namin habang kausap si onni-chan. 

Eh?

"oh.. Eto na pala si Yui." sabi ni kuya Yuji.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Di ko kasi alam na close pala sila?

"oh Darren..bakit ka nandito?" tanong ko. 

"visiting you!" sagot nya na may kasamang ngiti. 

"pasok muna ko guys. Itutuloy ko lang pag te-tekken ko" pakikisabat ni onni-chan.

Tumango nalang kaming dalawa ni darren.

"so, bakit mo naman naisipang bisitahin ako aber?" 

"coz i miss you! Haha. Jowk" 

"acheche?? Haha. Bakit nga?" 

May hand gesture pa ko sa pagsasabi nung acheche. Yung parang nag gulat gulatan?

"haha. Wala lang. Tagal na kasi kitang di nakikita. Actually, kanina pa kong nandito. Kaso wrong timing ako, may pasok ka pala" 

"oh? Sya pasok ka muna. Dun na tayo sa loob mag usap" medyo naglakad ako papasok ng bahay habang nakaway kaway sa kanya. Yung parang nagyayayang kaway.

"ay hindi na. Tinawagan ako nung manager ko. Meron pa kasi kaming press conference mamaya" 

"ah ganun ba? Sige. Next time nalang"

"sige. Sabi mo yan ha. Next time bibisitahin kita dito. Dapat nandito ka" 

"haha. Oo na ho. Sige. Umalis ka na. Baka malate ka pa sa pupuntahan mo"

"oo na po. Haha. Bye" tumalikod na sya at naglakad palayo.  

Ako naman, naglakad papasok ng bahay. nang....

"ah wait" nabigla naman ako kaya napalingon agad ako. 

Binigyan ko sya ng BAKIT-ANO-YUN?-Look.

"ahhh.. Can i call you----" 

"ano? MINE?" pang 

Huhula ko. 

"no.. hindi. can i call you baby?" 

awtz... pahiya ako..  

"ah. hehe. yun lang pal----t-teka.. ANO???? B-Baby?" 

"yup"

"o-oi darren.. A-anong baby ka jan? Neknek mo!" 

"eh? Bakit naman? Wala namang masama kung tawagin kitang baby ah" 

Epic Stalker (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon