Chapter 47: The 'Come Back'
YUI'S P.O.V
"ingat anak" sabay yakap sakin ni okasan and after that, niyakap ko naman si otosan.
"take care honey" my dad said between our hugs.
Nasa airport ako ngayon at pauwi na ako sa Pilipinas.
"sayonara my princess" my otosan added.
Kumalas na kami sa yakap at naglakad na ako palayo.
Humuling sulyap pa ako sa kanila at nag flying kiss.
Magst-stay nanaman kasi sila dito sa Japan. Puro business kasi ang inaatupag ng parents ko. Mabuti nga at pinapayagan pa nila kami ni onni-chan tumira sa Pinas. Haaaayyy.
Naaalala ko nanaman ang naging dahilan ng pagtira ko sa Pilipinas. Ang dahilan ng pagtalikod ko sa Japan.
Umupo na ako sa plane seat ko at mariing pinikit ang mata ko.
Memories... Memories kept on bugging me. Haaaayy.
Pero ngayon, pakiramdam ko, unti unti ng masasagot ang mga katanungan sa isip ko.
_FLASHBACK_
ChabzNOTE: Imagine nyo nalang na nagjajapanese sila. Baka malugaw ang utak nyo pag itinranslate ko pa sa nihonggo. Tsaka, di ako marunong nun. Wag nalang. Hehehe.
Imagine, this is a Koreanovela, este Japanese drama show dubbed in tagalog. Haha.
"sigurado ka na bang hindi mo tatanggapin ang offer ko?" tanong ng manager ko. Si Manager Hirano.
"sorry pero hindi na manager. Mahirap bumalik sa showbiz industry and besides, i'm still in highschool. Priority ko ngayon ang pag aaral ko" sagot ko naman.
Nag ooffer kasi sila sakin ng isang big project. And if i said Big. It's really BIG!!
"sayang naman. Malaki ang oportunity mo para makapasok sa hollywood pag tinanggap mo ang project na to. This is a big break. Don't you like it?"
Mayroon kasing gagawing movie ang hollywood at dito sa japan ang settings. Isa iyong teen-action movie at kumukuha ng artista mula sa japan para gumanap bilang leading lady. And their chossing me.
napaisip ako sa sinabi nya.
Yes. This is definitely a big break. Pero ayoko na. Sawa na akong maging artista.
Sawa na ako sa fame. At sawa na ako sa threats.
"no thanks nalang manager" nakangiti sabi ko. Malungkot na ngiti. Nanghihinayang din naman kasi ako kahit papano.
Dati kasi, yan ang pinaka pangarap ko. Ang makapasok sa hollywood at maging sikat. Pero ngayon, nagbago na ang pananaw ko. Nag iba na ang pangarap ko.
Natakot na ako sa mga magiging consiquence ng pagpasok ko muli sa showbiz.
Masaya na ako sa normal life na tinatamasa ko.
Masaya na ako sa piling ng lalaking mahal ko. Masaya na ako sa simple at tahimik na buhay kasama ang chupachups ko.
Wala na akong mahihiling pa.
"sigurado ka na ba talaga samantha? Ako ang nanghihinayang sayo eh." nakangiti akong tumango.
"i'm pretty sure manager. Happy ako sa decision ko" sagot ko.
Tinignan ako ni manager na para bang may ibang iniisip. Parang pilit nyang binabasa ang laman ng utak ko.
"are you afraid because of what happened before?" seryosong tanong nya.
BINABASA MO ANG
Epic Stalker (complete)
FanfictionMas nakakakilig daw pag Crush. Makita Lang si Crush, parang sinapian ka na. WAGAS kung makahampas sa katabi. OA kung maka-tili... Parang TANGANG mag isang nakangiti... hayyyyy... Masaya pag Crush palang. Pano pa kaya pag Love na???? Magpapaka Stalk...
